Ang Ahente at Ang Tagapagmana – Chapter 12

Hindi pa man nakakatuntong si Sora sa loob ng mall, alam na niyang masama ang araw.

Hindi dahil umuulan.

Hindi dahil late ang jeep.

Hindi dahil nasira ang hair clamp niya sa gitna ng byahe at ngayon ay hawak na lang ng dasal ang buhok niya.

Masama ang araw dahil pagtingin niya sa branch group chat, tahimik.

At sa experience ni Sora Guillermo, mas delikado ang tahimik na group chat kaysa sa maingay.

Kapag maingay, ibig sabihin may announcement, may nawawalang stapler, o may nagbebenta ng banana chips.

Kapag tahimik pagkatapos ng chismis?

May nag-hahanda.

Pagdating niya sa kiosk, nandoon na sina Jessa at Carlo.

Si Jessa, hindi mapakali.

Si Carlo, masyadong busy sa pag-aayos ng brochure kahit maayos naman.

Si Maredith, nasa gilid ng counter, hawak ang clipboard, mukhang fresh na fresh para sa taong may ginawang masama.

“Good morning,” bati ni Sora.

“Good morning,” sagot ni Jessa, mabilis.

Si Carlo, hindi tumingin.

“Morning.”

Si Maredith lang ang ngumiti.

“Sora,” sabi nito, “you’re late.”

Napatingin si Sora sa oras sa phone niya.

“Ma’am, nine fifty-eight pa lang po.

Ten ang shift ko.”

“Dapat before shift, ready ka na.”

Huminga nang malalim si Sora.

Ayan na.

Corporate breathing exercise number one.

“Opo, Ma’am.”

“Also, nakita ko ang group chat last night.”

Nanigas ang likod ni Sora.

Hindi siya sumagot.

“Ano kaya ang impression ng team kapag may employee na kakagaling lang sa HR for boundaries, tapos may special call agad after office?”

Tumigil ang kamay ni Jessa sa pag-aayos ng forms.

Si Carlo naman ay lalo pang yumuko sa brochure.

Sora looked at Maredith.

“Ma’am, after office hours po iyon.

Personal phone ko po iyon.

Wala po akong nireply sa group chat.

I also sent screenshots to Sir Kevin as instructed.”

Saglit na naningkit ang mata ni Maredith.

Halatang hindi niya inaasahan ang last part.

“Good,” sabi nito.

“At least natututo ka na.”

May tumusok sa dibdib ni Sora.

Hindi malalim.

Pero paulit-ulit.

Parang karayon na maliit pero kayang makahiwa.

“Anyway,” dagdag ni Maredith, “since you’re so focused on personal matters, I reassigned some of your morning follow-ups.”

Napatingin si Sora.

“Reassigned?”

“Yes.

Para hindi maapektuhan ang productivity.”

“Kanino po?”

Tumahimik sandali.

Then Maredith smiled.

“Kay Carlo.”

Dahan-dahang lumingon si Sora kay Carlo.

Hindi pa rin ito tumitingin sa kanya.

“Ma’am,” sabi ni Sora, pinipigil ang boses, “which follow-ups?”

“Iyong kay Ms. Laarni Santos.

Iyong office worker na lead mo noong isang araw.”

Parang may malamig na tubig na binuhos sa batok ni Sora.

Ms. Laarni.

Solid prospect.

Iyong client na nirefer mismo sa kanya dahil marunong daw siyang mag-explain nang hindi nakakahilo.

“Ma’am, client ko po iyon.”

“Branch client,” sagot ni Maredith.

“Opo, pero ako po ang initial agent.

Nasa lead form po ang pangalan ko.”

“And as supervisor, I can assign leads based on team needs.”

Hindi agad nakasagot si Sora.

Kasi realistic iyon.

May power si Maredith sa lead distribution.

Pero hindi ibig sabihin tama ang ginawa niya.

“Ma’am,” sabi ni Sora, mas mababa na ang boses, “nag-follow up na po ba si Carlo?”

Sumingit si Carlo, halatang alanganin.

“Tumawag lang ako kaninang umaga.”

“Tapos?”

“Interested pa rin siya.”

“Good,” sabi ni Maredith.

“Then focus on new walk-ins, Sora.

Hindi lahat ng bagay personal.”

Doon naramdaman ni Sora na may hangganan din pala ang pagtitimpi niya

Hindi mabilis.

Hindi bigla.

Iyong tahimik na putok na mas nakakatakot dahil hindi lumalabas agad sa bibig.

“Ma’am,” sabi niya, “hindi ko po pine-personal ang trabaho.

Pero kapag ako po ang nag-qualify ng lead, ako ang nag-explain ng terms, ako ang nag-build ng trust, tapos bigla po siyang mapupunta sa iba nang walang proper note, hindi po iyon team productivity.

Lead grabbing po iyon.”

Tumahimik ang kiosk.

Si Jessa ay napatingin kay Sora.

Si Carlo, namula ang tenga.

Si Maredith, nanlamig ang ngiti.

“Careful, Sora.”

“Opo.

Careful po ako.

Kaya nga po sinasabi ko nang malinaw.”

Maredith took one step closer.

Hindi halata sa iba.

Pero ramdam ni Sora.

Iyong lapit na parang hindi naman nananakot, pero gusto kang umatras.

“Do not forget your place,” mahinang sabi ni Maredith.

Doon dumating si Kevin.

Parang blessing na naka-blazer.

“Anong place?” tanong niya, kalmado pero matalim ang boses.

Napalingon si Maredith.

“Sir Kevin.”

“Anong place ang kailangang tandaan ni Sora?” tanong ulit ni Kevin.

Walang nagsalita.

Nakita ni Sora ang mukha ni Kevin.

Alam niyang narinig nito.

At alam niyang hindi ito natutuwa.

“Nothing po,” sabi ni Maredith, bumalik ang professional tone.

“We were just discussing lead assignment.”

“Good,” sabi ni Kevin.

“Then discuss it properly.”

Tumayo ito sa tabi ni Sora, hindi dramatic,

pero sapat para maramdaman ni Sora na hindi siya mag-isa.

“Carlo,” sabi ni Kevin, “which lead?”

“Si Ms. Laarni Santos po.”

“Initial agent?”

Tahimik si Carlo.

Kevin looked at him.

“Initial agent?”

“Sora po.”

“Lead form?”

“Nasa system po yata.”

“Yata?” ulit ni Kevin.

Napalunok si Carlo.

“Nasa folder po.”

“Get it.”

Mabilis na kumilos si Carlo.

Si Maredith naman ay nakatayo pa rin, hawak ang clipboard nang mahigpit.

Nang bumalik si Carlo dala ang folder, kinuha iyon ni Kevin at binuksan.

Nandoon ang lead form.

Nakasulat nang malinaw:

Agent: Sora Guillermo

May handwritten notes pa ni Sora sa gilid.

Concern: monthly budget, commute access, proof of income.

Follow-up Tuesday morning.

Kevin looked up.

“Why was this reassigned?”

“Because Sora has pilot tasks and I wanted to balance workload.”

“Was Sora informed before reassignment?”

Tahimik.

“Was it logged?”

Tahimik pa rin.

“Was the client informed that the handling agent changed?”

Walang sumagot.

Doon nagsalita si Jessa.

Mahina muna.

“Sir Kevin?”

Napatingin ang lahat sa kanya.

Halatang kinakabahan si Jessa, pero tumayo siya nang mas maayos.

“Ako po ang nasa front kanina.

Narinig ko po si Ma’am Maredith na sinabi kay Carlo na tawagan si Ms. Laarni

and say he’ll handle the computation moving forward.

Tinanong ko po kung alam ni Sora, sabi po ni Ma’am, no need na raw kasi branch lead naman.”

Napatingin si Sora kay Jessa.

Jessa swallowed.

“May notes din po si Ma’am na pinakuha kay Carlo galing sa folder ni Sora.”

Nanigas ang bagang ni Maredith.

“Jessa,” sabi nito, “be careful with what you’re implying.”

Hindi umatras si Jessa, pero halatang nanginginig ang kamay niya.

“Ma’am, sinasabi ko lang po ang nakita ko.”

Kevin closed the folder.

“Okay,” sabi niya.

“Everyone, back to work.

Maredith, branch office.

Now.”

Hindi nagtaas ng boses si Kevin.

Pero iyon ang klase ng “now” na kahit customer sa kabilang booth, mapapaayos ng tayo.

Pumasok sina Kevin at Maredith sa branch office.

Naiwan si Sora, Jessa, at Carlo sa kiosk.

Tahimik.

Pagkatapos, si Carlo ang unang nagsalita.

“Sora, hindi ko alam na hindi ka informed.”

Tumingin si Sora sa kanya.

Pagod na siya para makipag-away.

Pero hindi siya pagod para maging malinaw.

“Alam mo na initial lead ko iyon.”

“Sinabihan lang ako ni Ma’am.”

“At sumunod ka.”

“Supervisor natin siya.”

“May utak ka rin naman.”

Natameme si Carlo.

Jessa coughed softly.

“True.”

“Jessa,” sabi ni Carlo.

“Ano?

Witness na nga ako, gusto mo pa akong maging silent?”

Sora looked at Jessa.

“Salamat.”

Jessa shrugged, pero halatang naiilang.

“Hindi naman dahil mabait ako.

Ayoko lang na next time, lead ko naman ang kunin.”

Napangiti si Sora kahit mabigat ang dibdib niya.

“Still.

Salamat.”

“Welcome.

Pero kung may magtanong, hindi ako hero.

Marites lang ako na may conscience.”

Sa loob ng branch office, hindi nila marinig ang usapan.

Pero kita nila sa glass panel ang galaw.

Si Kevin, nakaupo, seryoso.

Si Maredith, nakatayo, nagsasalita nang mabilis.

Ilang minuto lang, lumabas si Kevin at dumiretso sa kiosk.

“Sora,” sabi niya, “please forward me your client notes for Ms. Laarni and all pilot-related field notes.

Jessa, please write a short incident statement.

Carlo, you too.”

Nanlamig si Carlo.

“Sir?”

“You called the client.

You’re involved.

Write what happened.”

Tumango si Carlo, walang choice.

Lumabas si Maredith makaraan ang ilang minuto

Wala na ang perfect smile niya.

Pero hindi pa rin siya talo sa paningin niya.

Parang sa utak niya, temporary delay lang ito sa plano niya.

At doon kinabahan si Sora.

Kasi ang taong hindi marunong tumanggap na mali siya, kadalasan mas delikado kapag na-corner.

Kinahapunan, mabilis kumalat ang balita.

Hindi opisyal.

Pero sa branch, walang bagay na kailangan maging opisyal para malaman ng lahat.

May investigation daw.

May lead stealing daw.

May credit stealing daw ulit.

May statement daw si Jessa.

May email trail daw si Sora.

May report daw si Kevin.

At syempre, may dagdag:

Baka raw kaya pinapansin ang issue kasi close si Sora kay Rafael.

Baka raw kung ibang agent iyon, walang mangyayari.

Baka raw ginagamit ni Sora ang anak ng may-ari.

Baka raw si Sora na ang papalit kay Maredith kapag natanggal ito.

Baka raw.

Baka raw.

Baka raw.

Sa mundo ng opisina, ang “baka” ay gasolina.

At ang mga taong bored, posporo.

Dalawang araw ang lumipas.

Hindi pumasok si Maredith.

Official reason: corporate meeting.

Unofficial reason: pinatawag siya sa HR at Operations.

Si Sora, habang nasa kiosk, pilit na ginagawa ang trabaho niya na parang hindi siya pinag-uusapan ng buong branch.

Nag-eexplain siya ng amortization.

Nagfo-follow up ng clients.

Nagsusulat ng pilot notes.

At paminsan-minsan, nagtatago sa likod ng brochure stand para uminom ng tubig dahil baka pati iyon bigyan ng meaning.

Noong Thursday afternoon, dumating si Kevin na may hawak na folder.

Hindi siya nakangiti.

“Team,” tawag niya.

Nagtipon sina Sora, Jessa, Carlo, at ilang staff.

Kevin stood in front of them.

“Effective next week,” sabi niya, “Ms. Maredith Salazar will be transferred to another branch in an administrative capacity pending further review.

She will no longer handle direct sales supervision in this branch.”

Tahimik ang lahat.

Si Jessa, dahan-dahang napanganga.

Si Carlo, napatingin sa sahig.

Si Sora, hindi gumalaw.

Hindi siya natuwa.

Hindi siya nag-celebrate.

Kahit ang dami niyang dahilan para matuwa, ang unang naramdaman niya ay bigat.

Kasi totoo pala.

May nangyari talaga.

Hindi siya OA.

Hindi siya paranoid.

Hindi siya nag-iinarte.

“During transition,” dagdag ni Kevin, “all lead assignments will go through me.

We will also open the Sales Supervisor post for internal and external applicants.

Details will be posted by HR.”

Doon nagsimula ang bulungan.

Sales Supervisor post.

Bakante.

Open for applicants.

Hindi pa natatapos si Kevin magsalita, naramdaman na ni Sora ang tingin ng mga tao.

Hindi niya kailangang lumingon.

Alam na niya.

Siya na naman.

Siya na naman ang nasa gitna.

Nang matapos ang short announcement, lumapit si Jessa.

“Sora.”

“Huwag mo nang sabihin.”

“Hindi ko pa sinasabi.”

“Pero iyan ang mukha mo.”

“Sabi nila ikaw daw ang mapo-promote.”

Napapikit si Sora.

“Ayan na nga.”

“Hindi ako nagsabi.

Informing lang.”

“Jessa, trabaho tayo.”

“Teh, trabaho nga ito.

Career development with chismis.”

Mula sa likod, sumingit si Carlo, mahina ang boses.

“May chance ka naman talaga.”

Tumingin si Sora sa kanya.

Mukha itong guilty pa rin.

“Carlo,” sabi niya, “kung may sasabihin kang nakakainis, huwag ngayon.”

“Hindi.

Sinasabi ko lang… magaling ka naman talaga sa clients.”

Hindi niya inaasahan iyon.

Hindi rin yata ni Carlo.

Nagkatinginan sila saglit.

Then Carlo looked away.

“Sorry ulit sa lead.”

Huminga si Sora.

“Next time, Carlo, kapag may pinapagawa sa’yo na alam mong mali, huwag kang magpakatape dispenser na sunod lang nang sunod.”

“Okay.”

“May spine ka.

Gamitin mo.”

“Oo na.”

Jessa whispered, “Ang inspiring, parang seminar pero may panlalait.”

Tinitigan lang ito ng masama ni Sora.

“What? Compliment iyon.”anito.

Sa gabing iyon, pag-uwi ni Sora,

nadatnan niya si Nanay Meding na nagbabalat ng sayote sa kusina.

“Ma,” sabi niya, bagsak sa upuan.

“May possibility daw ako ma-promote.”

Natigil si Nanay Meding.

“Ha?”

“Possibility pa lang.”

“Promotion?”

“Opo.”

“Ano’ng posisyon?”

“Sales Supervisor.”

Saglit na natahimik si Nanay Meding.

Pagkatapos, tumingin ito sa kanya nang seryoso.

“Anak, kung makukuha mo iyan dahil magaling ka, tanggapin mo.”

Tumango si Sora.

“Pero kung makukuha mo iyan dahil sa lalaki, huwag.”

Napalunok si Sora.

“Ma, hindi ko naman po hinihingi. At alam kong deserve ko yon dahil sa skills ko.”

“Alam ko.

Pero madalas ang pangit na tingin hindi mo kailangang hingin para ibato sa’yo ng tao.”

Lumabas si Lola Ason mula sa sala.

“Promotion?

Aba, dapat magpablessing tayo.”

“Lola, hindi pa nga sure.”

“Mas mabuti nang ready ang kandila.”

Mula sa kwarto, sumigaw si Lolo Isme, “Para saan ang bandila?”

“Wala, Lo!”

Kumamot lang sa ulo ang matanda

Napatawa si Sora kahit mabigat pa rin ang dibdib niya.

Kinabukasan, may email galing corporate.

Subject: Annual Recognition Gala Night

Lahat ng branches, field teams, marketing, operations, at corporate staff invited.

Formal Attire.

Hotel ballroom.

Awards, project recognitions, company updates.

At sa baba ng email:

Special segment: Premium Site Pilot Recognition and Field Contribution Acknowledgment

Hindi alam ni Sora kung bakit, pero nang mabasa niya iyon, sumama ang pakiramdam niya

Hindi magandang kutob.

Gala Night.

Lahat ng tao nandoon.

Field.

Branches.

Corporate.

Rafael.

Don Augusto.

At kung totoo ang chismis, baka pati si Maredith.

“Anak,” sabi ni Kevin nang makita niya ang mukha niya, “bakit mukha kang nakakita ng multo?”

Ipinakita niya ang email.

Kevin read it.

Then he smiled.

“Recognition.”

“Sir, bakit feeling ko execution?”

“Kasi dramatic ka.”

“Hindi po.

Realistic ang trauma ko.”

“Fair.”

“Pupunta ba si Ma’am Maredith?”

“Likely.”

“Great.

May ballroom version ang stress.”

Kevin patted her shoulder.

“Dress nicely.

Smile professionally.

Huwag kang makikipag-away sa chandelier.”

“Bakit chandelier?”

“Mukha kang kaya mong awayin pati ilaw kapag napuno ka.”

The night of the gala came faster than Sora wanted.

Sa halip na bumili ng bagong dress, nag-rent siya ng dark green midi dress mula sa kakilala niya sa boutique modeling raket.

Simple, elegant, at hindi mukhang trying hard.

Sinuot niya iyon kasama ang nude heels na dati nang pumatay sa kaliwang paa niya, pero nilagyan niya ngayon ng gel pads dahil natuto na siya sa trauma.

Paglabas niya ng kwarto, nandoon si Nanay Meding, Lola Ason, at Lolo Isme sa sala.

Tahimik silang lahat ng dalawang segundo.

Pagkatapos, si Lola Ason ang unang nagsalita.

“Ang ganda mo.”

Napangiti si Sora.

“Talaga po?”

“Oo.

Mukha kang mayaman pero may galit.”

“Lola naman.”

Si Nanay Meding lumapit at inayos ang buhok niya.

“Simple lang.

Huwag kang magpapadala sa tao doon.”

“Opo.”

“Kapag may nang-insulto, huminga muna.”

“Opo.”

“Kapag hindi kaya ng hinga, tumawag kay Kevin.”

“Opo.”

“Kapag wala si Kevin…”

“Ano po?”

“Umuwi ka.

Huwag kang magpapakulong.”

“Ma!”

Mula sa sofa, tumingin si Lolo Isme.

“Sino ang makukulong?”

“Wala po, Lo!”

oh sige “Basta magdala ka ng jacket.

Malamig sa hotel.” Sabi na lang nito habang kumakamot sa ulo

Napangiti si Sora.

“Opo, Lo.”

Pagdating niya sa hotel ballroom, halos gusto niyang umatras.

Ang laki ng lugar.

Ang daming ilaw.

Ang daming taong naka-formal.

May mga corporate executives na mukhang may sariling weather system.

May mga branch agents na naka-gown at suit.

May marketing team na picture nang picture.

May HR staff na mukhang friendly pero alam ni Sora na kaya kang i-email anytime.

At sa assigned table, nandoon na si Kevin.

Naka-black suit, may brooch, at may facial expression na parang judge sa pageant.

“Anak,” sabi niya paglapit ni Sora, “you look expensive.”

“Rented po ito.”

“Even better.

Financially responsible beauty.”

“Sir, kinakabahan ako.”

“Normal.

Ako rin.”

“Kayo?”

“Oo.

Baka may buffet na hindi masarap.”

“Sir.”

“I cope through food.”

Hindi pa sila tapos mag-usap nang biglang tumahimik sa paligid nila.

Napalingon si Sora.

Rafael had entered.

Naka-black suit.

Clean.

Calm.

Mabango kahit malayo, which should be illegal.

May kausap siyang dalawang corporate managers, pero nang makita niya si Sora, saglit siyang natigil.

Saglit lang.

Pero sapat.

Kevin whispered, “Ay.”

“Sir, huwag.”

“Wala akong sinabi.”

“May mukha kayo.”

“Gifted nga.”

Rafael approached them.

“Good evening, Mr. Dizon.”

“Good evening, sir.”

Then he looked at Sora.

“Good evening, Sora.”

Hindi Miss Guillermo..

Sora.

Off work?

Semi-work?

Gala?

Delikado.

“Good evening… Rafael,” sabi niya, halos masakal sa sariling tapang.

Kevin inhaled sharply beside her.

Rafael smiled.

Small.

Controlled.

Pero ramdam ni Sora hanggang gel pads.

“You look beautiful,” sabi niya.

Nanigas si Sora.

Kevin immediately looked around.

“Walang HR sa likod.

Clear.”

“Sir Kevin!”

Rafael laughed softly.

“Relax,” sabi ni Rafael.

“Outside work segment.”

“Company event pa rin ito,” sagot ni Sora.

“Then I’ll revise.”

His eyes stayed on hers.

“You look professionally beautiful.”

Napatakip si Kevin sa bibig niya.

Sora wanted to melt into the carpet.

“Ang pangit po pakinggan.”

“But safer.”

“Hindi rin.”

“Then just beautiful.”

Hindi nakasagot si Sora.

At dahil ayaw niyang matalo, tinignan niya siya mula ulo hanggang paa.

“Kayo rin po.

Mukha kayong may sariling bank approval.”

Kevin choked.

Rafael blinked, then laughed.

“Thank you, I think.”

“You’re welcome, I think.”

The program started.

May opening remarks. May awards for top branches.

May recognition for long-time employees.

May video presentation tungkol sa Premium Site Pilot na muntik ikamatay ng social life ni Sora.

Naupo si Sora sa table ng branch nila kasama sina Kevin, Jessa, Carlo, at ilang agents.

Sa kabilang side ng ballroom, nakita niya si Maredith.

Naka-red dress.

Perfect ang make-up.

Tahimik ang mukha.

Pero nang magtagpo ang mata nila, ngumisi ito.

Hindi maganda ang ngising iyon.

“Anak,” bulong ni Kevin.

“Nakita ko po.”

“Do not engage.”

“Opo.”

“Repeat.”

“Do not engage.” Ulit niya

“Good.”

Nang tawagin ang Premium Site Pilot Recognition, umakyat sa stage ang marketing head.

“Tonight, we recognize the teams and individuals who helped refine our mall kiosk strategy for the Premium Site launch.”

Lumabas sa screen ang photos ng kiosk, sample computation sheet, revised FAQ, at field notes.

Then lumabas ang slide:

Field Contribution: Practical Buyer FAQ and Frontline Script Input

Sora Guillermo — Sales Agent, Mall Branch

Saglit na tumigil ang hininga ni Sora.

Palakpakan.

Hindi sobrang lakas, pero sapat para uminit ang mata niya.

Kevin squeezed her arm.

“Smile,” bulong nito. “Hindi mugshot ’yan.”

Napangiti siya kahit nangingilid ang luha.

Tinawag siya sa stage.

Tumayo siya, inayos ang dress, at lumakad papunta sa harap habang pinipilit hindi matapilok.

Sa stage, inabot sa kanya ang certificate.

May camera.

May palakpakan.

May Rafael sa front table, nakatingin sa kanya na parang proud pero pinipigilang maging obvious.

At may Don Augusto sa tabi nito, tahimik lang.

Pagbaba ni Sora ng stage, akala niya tapos na.

Hindi pala.

Nang bumalik siya sa table, biglang may boses mula sa likod.

“Congratulations, Sora.”

Maredith.

Tumigil ang usapan sa table.

Dahan-dahang humarap si Sora.

“Thank you po, Ma’am.”

Lumapit si Maredith, hawak ang wine glass.

Hindi siya lasing. Mas delikado iyon. Alam niya ang ginagawa niya.

“Ang bilis talaga ng career growth mo,” sabi ni Maredith.

“From kiosk agent to corporate favorite.”

Tahimik ang table.

Kevin’s expression sharpened.

Sora held up one hand slightly.

”Sir, Kaya ko.”

“Ma’am, recognition lang po iyon sa project input.”

“Of course.” Ngumiti si Maredith. “Project input. Coffee input. Phone call input. Ang daming input.” Malaks na ang boses nito.

May ilang tao sa katabing table ang napatingin.

Naramdaman ni Sora ang init sa mukha niya.

Pero hindi siya umatras.

Hindi ngayon.

“Ma’am,” sabi niya, malinaw pero kalmado,

“kung may concern po kayo sa recognition ko, you can raise it through proper channels.

Pero huwag niyo pong bawasan ang kredibilidad ko sa trabaho sa harap ng ibang tao just because

hindi niyo matanggap na documented ang contribution ko.”

Nagbago ang mukha ni Maredith.

May ilang nakarinig.

May huminto sa pagkuha ng pagkain.

Si Kevin ay hindi gumalaw, pero kita sa mata niyang handa siyang sumalo kung kailangan.

Maredith laughed softly.

“Ang tapang mo na talaga. Siguro confident ka kasi alam mong may sasalo sa’yo.”

Doon tumayo si Kevin.

“Maredith,” sabi niya, mababa ang boses. “Enough.”

Pero bago pa siya makapagsalita pa, si Sora na ang sumagot.

“May sumalo po sa akin kasi may ginawa kayong mali. Hindi dahil mahina ako.”

Tahimik.

Kahit ang music sa background, parang biglang humina.

Sora’s hands trembled slightly, pero hindi niya ibinaba ang tingin.

“Hindi ko po ninakaw ang client ng iba.

Hindi ko po nilagay ang pangalan ko sa output ng iba.

Hindi ko po ginamit ang posisyon ko para iparamdam sa tao na wala siyang lugar.

Kung may sasalo man sa akin ngayon, siguro dahil matagal na akong tinutulak.”

Maredith’s face hardened.

“Careful.”

“No, Ma’am,” sabi ni Sora. “Careful po ako. Matagal na. Kaya nga may email trail.

May lead form. May witnesses. May documents.

Hindi po ako umaasa sa awa. Umaasa ako sa resibo.”

May narinig na mahinang “oh my God” mula kay Jessa.

Kevin whispered, “Anak, …”

Pero hindi na niya napigilan.

Sora was shaking now.

Not from fear.

From everything she had swallowed.

The storage room.

The stolen notes.

The client reassignment.

The whispers.

The group chat.

The coffee photo.

The way people looked at her like every good thing she earned came from a man.

“Kung ayaw niyo po sa akin, okay lang. Hindi naman po ako requirement sa happiness niyo.

Pero huwag niyo pong gawing maliit ang trabaho ko para lang lumaki kayo.”

Maredith’s smile disappeared.

“Who do you think you are?”

Sora swallowed.

Masakit ang tanong.

Pero this time, alam niya ang sagot.

“Ahente po,” sabi niya. “Iyong hindi niyo matanggal-tanggal kasi kahit pasaway, may benta pa rin.”

For one second, nobody moved.

Then Jessa made a sound that was half cough, half dying.

Kevin covered his face.

Carlo looked like he wanted to crawl under the table.

Maredith’s face turned red.

“You really think this is funny?”

“No po,” sabi ni Sora. “Kaya nga po hindi ako tumatawa.”

Before Maredith could answer, a voice cut through the tension.

“Ms. Salazar.”

Napalingon si Sora sa pinanggalingan ng nagsalita

kaya pala ganun ang reaksyon ng mga tao sa table nila-

Don Augusto Valderama stood a few steps away.

Beside him was Rafael.

But unlike Rafael, whose face showed clear anger, Don Augusto looked calm.

Too calm.

The kind of calm that made people straighten their backs without knowing why.

“Sir,” Ani Maredith na biglang nagbago ang tono. “I was only congratulating—”

“I heard enough,” Don Augusto said.

Napatigil si Maredith.

Natahimik ag mesa nila at ang mga kalapit na mesa.

Sora felt her heartbeat in her throat.

Tinignan siya ni Don Augusto.

“Ms. Guillermo.”

“Yes po, sir.”

“You will not defend your work by shouting.”

Napakagat si Sora sa loob ng pisngi niya.

“Opo, sir.”

“You will defend it by continuing to do it well.”

Napalunok siya.

“Opo.”

Then Don Augusto turned to the people around them.

His voice was not too loud.

But somehow, everyone heard it.

“Let me clarify something since there seems to be confusion.”

natahimik ang ballroom. Hininaan ng sound system ang tugtugan.

Nakatayo lang si Rafael sa tabi ng ama. Nakatingin kay sora.

nagpatuloy si Don Augusto.

“Ms. Guillermo’s contribution to the Premium Site Pilot was reviewed by Marketing, Operations, and myself.

Her field inputs improved buyer communication, frontline scripts, and computation readability.

These are documented. They are measurable. They are not based on personal connection.”

Hindi gumalaw si Sora.

Parang may humawak sa puso niya at pinigilan itong bumagsak.

Don Augusto looked at Kevin.

“Mr. Dizon.”

“Yes, sir.”

“The Sales Supervisor post for your branch is currently vacant?”

“Yes, sir.”

“HR completed the internal recommendation?”

Napakurap si Kevin.

Halatang hindi niya inaasahan iyon.

“Yes, sir. Final endorsement was submitted this afternoon.”

Nanlaki ang mata ni Sora.

Final endorsement?

Anong final endorsement?

tumingin ulit si Don Augusto kay Sora

“Ms. Guillermo.”

“Opo?”

“Effective next month, you will assume the role of Acting Sales Supervisor for the branch.”

Nawala ang lahat ng ingay sa paligid.

Kahit ang ballroom.

Kahit ang sariling hininga niya.

“Sir?” halos pabulong niyang sabi.

“Acting,” Don Augusto repeated. “Three-month evaluation period. If your performance holds, it becomes permanent.”

May mga bulungan sa paligid.

May gulat.

May inggit.

May palakpak na hindi alam kung itutuloy pa ba.

Si Maredith, nakatayo lang, mukha nang hindi makapaniwala. Mukha ng talunan.

Don Augusto’s expression remained strict.

“This is not a reward for being liked,” he said.Looking at Maredith.

“This is not a personal favor.

This is an operational decision based on field performance, documented initiative,

client handling, and the need for a supervisor who actually understands potential buyers.”

At tumingin siyang muli kay Sora, Seryoso.

“Do not waste it.”

Tumulo ang isang luha sa pisngi ni Sora bago pa niya mapigilan.

Hindi siya umiyak nang malakas.

Hindi siya nagdrama.

Pero ramdam niya ang bigat ng lahat ng pinagdaanan niya biglang naramdaman niya ng sabay sabay

“Opo, sir,” sabi niya, nanginginig ang boses. “Hindi ko po sasayangin.”

Tumango si Don Agosto.

At tumalikod na.

“Continue the program.”

Ganun lang.

Parang hindi niya kababago ng buhay ni Sora sa harap ng buong Valderama Real Estates employees.

Parang hindi niya napigil ang lahat ng chismis gamit ang isang announcement.

Parang normal lang.

Pero walang normal sa pakiramdam ni Sora.

Habang unti-unting bumalik ang ingay sa paligid, lumapit si Kevin at mahigpit siyang niyakap.

“Anak,” bulong nito, nanginginig din ang boses, “supervisor ka na. Lord, kailangan ko na ng vitamins.”

Napatawa si Sora habang umiiyak.

Niyakap din siya ni Jessa.

“Teh, boss na kita?”

“Acting lang.”

“Boss na may probationary period. Pak.”

Mahina ding nagsalita si Carlo. “Congrats, Sora.”

“Salamat.”

Sa kabilang side, nakita ni Sora si Maredith na tahimik na lumalayo.

Walang grand exit.

Walang sigaw.

Walang sampalan.

Mas realistic.

Mas masakit.

Natalo siya sa harap ng mga taong gusto niyang paniwalain na si Sora ang walang lugar.

At ngayon, si Sora ang nilagay sa posisyong tinanggal siya.

Nang makalayo ang ibang tao, lumapit si Rafael.

Hindi siya ngumiti agad.

“Congratulations,” sabi ni Rafael.

“Thank you.”

“You earned it.”

Tinignan siya ni Sora.

“Alam ko.”

Sandaling natigilan si Rafael.

Pagkatapos, bahagya siyang ngumiti.

“Good.”

“Pero kung may magsabi pa rin na dahil sa’yo ito, maniningil ako sa’yo ng emotional damages.”

“How much?”

“Depende sa inflation.”

“Fair.”

Napatawa siya nang mahina.

Sa paligid nila, unti-unti nang bumabalik ang ingay ng ballroom. May kumukuha na ulit ng pagkain. May nagpapa-picture sa stage. May mga empleyadong halatang gustong lumapit kay Sora pero nag-aalangan kung congratulations ba ang sasabihin o chismis ang itatanong.

Sa kabilang dulo, nakita niya si Maredith na tahimik na nakaupo sa isang table, hawak ang wine glass pero hindi umiinom.

Hindi na ito lumapit.

Hindi na rin ngumiti.

At sa unang pagkakataon, hindi na siya mukhang supervisor na may hawak na clipboard.

Mukha na lang siyang taong natalo sa laban na siya mismo ang nagsimula.

Hindi natuwa si Sora sa nakitang iyon.

Hindi rin siya naawa nang todo.

Ang naramdaman niya, pagod.

Kasi minsan, kahit ikaw ang nanalo, dala mo pa rin lahat ng sugat ng pinagdaanan mo.

“Sora.”

Napatingin siya kay Rafael.

“Hmm?”

“Can we step outside for a minute?”

Agad na tumaas ang kilay niya.

“Outside? Rafael, nasa company event pa rin tayo.”

“I know. Sa terrace lang. Kita ng tao. Walang HR violation.”

Mula sa likod nila, sumingit si Kevin.

“Approved. Pero five minutes lang. At kung may camera, ngumiti kayo nang pang-LinkedIn.”

“Sir Kevin!”

“Ano? New supervisor ka na. Dapat reputationally aware.”

“Acting supervisor.”

“Acting reputationally aware, then.”

Napailing si Sora, pero hindi niya napigilan ang ngiti.

Sumunod siya kay Rafael papunta sa terrace sa gilid ng ballroom. Hindi sila lumayo. Kita pa rin sila mula sa glass doors. May ilang tao ring nandoon, nag-uusap, nagpapahangin, at nagpapahinga mula sa aircon at social climbing.

Malamig ang hangin sa labas.

Hindi gaya ng lamig ng ballroom.

Mas totoong lamig ito.

Mas nakakagising.

Humawak si Sora sa railing at tumingin sa city lights.

“Ang taray,” sabi niya. “May pa-terrace moment.”

“Too much?”

“Hindi. Pero kung may violinist na lalabas sa halaman, tatalon ako sa plant box.”

Tumawa si Rafael.

Mahina lang.

Pero sapat para gumaan ang dibdib niya.

Tahimik muna silang dalawa.

Sa loob, tuloy ang programa. Naririnig pa rin ang boses ng host, ang mahihinang palakpakan, at ang tunog ng mga kutsara sa plato.

Pero dito sa labas, parang humina ang ingay ng mundo.

“Are you okay?” tanong ni Rafael.

Napatingin si Sora sa kanya.

“Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan? Mukha kang mas galit pa sa akin kanina.”

“I was.”

“Kita.”

“I didn’t like how she talked to you.”

“Si Maredith?”

“Yes.”

“Sanay na ako.”

“I don’t want you to be.”

Doon siya natahimik.

Simple lang ang sinabi nito.

Pero tumama.

Kasi ang dami niyang bagay na nasanay na lang siyang tanggapin.

Nasanay siyang maliitin.

Nasanay siyang pagdudahan.

Nasanay siyang tawaging maingay kapag nagtatanggol lang naman siya ng sarili.

Nasanay siyang gawing biro ang sakit para hindi halatang nasasaktan siya.

“Rafael,” sabi niya, “hindi mo trabaho ayusin lahat ng nanakit sa akin.”

“I know.”

“Good. Kasi marami sila. Baka mapagod ka.”

“Hindi ako madaling mapagod.”

“Chikboy line ba ’yan?”

“Hindi. Stubborn line.”

“Pareho minsan ang tunog.”

Ngumiti siya, pero seryoso pa rin ang mata.

“Sora.”

“Ano?”

“I meant what I said before.”

“Marami ka nang sinabi before. Specifics please. New acting supervisor ako. Kailangan malinaw ang reporting.”

“I want to court you properly.”

Biglang kumabog ang dibdib niya.

Kahit narinig na niya iyon dati.

Kahit ilang araw na niyang iniisip.

Kahit ilang beses na niyang pinagsabihan ang sarili na huwag magpadala sa boses, amoy, suit, at emotional accountability ng lalaking ito.

Kumakabog pa rin.

Bad sign.

Very bad sign.

“Rafael,” sabi niya, “ang daming nangyari ngayong gabi.”

“I know.”

“Na-promote ako.”

“Yes.”

“Pinahiya ako ni Maredith.”

“Yes.”

“Sinermunan ako ni Don Augusto in public pero in a helpful way.”

“Accurate.”

“May gel pads akong namamatay na sa loob ng heels ko.”

This time, natawa siya.

“I’m sorry about the gel pads.”

“Dapat lang.”

“Sora.”

Nawala ang ngiti niya.

Kasi seryoso na naman ito.

At kapag seryoso si Rafael, nahihirapan siyang magtago sa biro.

“I don’t want to rush you,” sabi nito. “But I also don’t want to keep pretending that what I feel is casual.”

Napakapit si Sora sa railing.

“Hindi ba kayo natatakot?”

“Sa’yo?”

“Sa akin, sa trabaho, sa chismis, sa pamilya mo, sa lahat.”

“Yes.”

Nagulat siya sa sagot.

“Takot ka?”

“Yes.”

“Hindi halata.”

“I was raised not to show it.”

“Ang lungkot naman niyan.”

“Medyo.”

Doon siya napangiti nang konti.

Rafael moved a little closer, pero hindi sobra. May pagitan pa rin. May respeto. May ingat.

“Sora, I know this will not be easy. I know my name makes things complicated. I know people will talk. I know you have every reason to say no.”

“Ang galing mo naman magbenta against yourself.”

“I’m being honest.”

“Hindi effective sa sales, pero sige.”

“I’d rather be honest with you than impressive.”

Doon na naman.

Simpleng linya.

Walang paandar.

Pero tumatama sa parts ng puso niyang akala niya naka-off duty na.

Tumingin si Sora sa city lights.

Naalala niya bigla ang mga lalaking dati niyang naka-date.

Iyong isang nagyaya sa buffet, tapos buong gabi puro kwento tungkol sa kotse niya. Umuwi siyang busog pero pagod ang kaluluwa.

Iyong isa, nagyaya ng sine, tapos akala yata dahil binilhan siya ng popcorn, may karapatan nang humawak sa kamay niya. Hindi na iyon nakaulit.

Iyong isa, nagpa-deliver ng cake, pero kinabukasan nanghingi ng selfie na may “miss you” kahit dalawang beses pa lang silang nagkita.

Sanay si Sora sa lalaki.

Sanay siya sa pa-sweet.

Sanay siya sa pa-impress.

Sanay siya sa libre.

Hindi siya santa.

Minsan, pumapayag siya sa dinner kasi pagod siya at gutom siya at libre naman. Pero marunong siyang umalis kapag iba na ang tono. Marunong siyang ngumiti habang naglalagay ng hangganan.

Pero kay Rafael, hindi lang dinner ang usapan.

Hindi lang libre.

Hindi lang kilig.

May trabaho.

May pangalan.

May mundo.

May posibilidad na masaktan siya nang mas malalim kaysa sa kaya niyang gawing biro.

“Hindi ako madaling maging girlfriend,” sabi niya.

Rafael looked at her.

“Good.”

“Ano ba ’yan, lahat na lang good?”

“Because I don’t want easy.”

“Gusto mo ba ng stress?”

“Apparently.”

Napatawa siya.

Then, slowly, her smile faded.

“Kung sasagutin kita,” sabi niya, halos pabulong, “hindi ibig sabihin puwede mo akong iligtas sa lahat.”

“I know.”

“Hindi ibig sabihin susunod ako sa mundo mo.”

“I know.”

“Hindi ibig sabihin tatahimik ako para magmukhang bagay sa’yo.”

“I don’t want you quiet.”

“Baka magsisi ka.”

“I’ll take that risk.”

“Hindi rin ibig sabihin puwede mong gamitin ang yaman mo kapag nag-aaway tayo.”

“I won’t.”

“Kapag may flowers, okay lang. Kapag may apology flowers, depende sa kasalanan.”

“Noted.”

“Kapag may dinner, walang kapalit.”

“Of course.”

“Kapag may sine, ako pipili minsan.”

“Deal.”

“At kapag sinabi kong ayoko, ayoko.”

“Always.”

Tumahimik siya.

Doon niya naramdaman na wala na siyang ibang gustong sabihin para umiwas.

Nagamit na niya lahat ng jokes.

Lahat ng practical reminders.

Lahat ng takot na kaya niyang gawing salita.

Nandoon pa rin si Rafael.

Naghihintay.

Hindi nanggigipit.

Hindi nagmamadali.

Hindi nagpapakilig para lang manalo.

“Sige,” sabi ni Sora.

Hindi agad gumalaw si Rafael.

“What do you mean?”

“Sige.”

“Sora.”

“Ang bagal mo naman makagets.”

His eyes widened slightly.

“Are you saying yes?”

“Hindi ba obvious?”

“I want to hear it clearly.”

“Demanding ka talaga.”

“Please.”

Napatingin si Sora sa kanya.

At kahit kinakabahan siya, kahit natatakot siya, kahit alam niyang baka bukas paggising niya ay sabihan niya ang sarili niyang, “Girl, anong pinasok mo?” — hindi niya binawi ang tingin.

“Yes,” sabi niya. “Sinasagot na kita.”

Tahimik si Rafael.

As in tahimik.

For once, ang lalaking sanay sa boardroom, sa negotiation, sa babae, sa charm, sa lahat ng bagay na mabilis niyang nakukuha, ay parang nawalan ng script.

Sora raised an eyebrow.

“Wala kang sasabihin?”

“I’m trying not to do anything that will get us reported.”

Napahagalpak siya ng tawa.

Napatingin ang isang couple sa kabilang side ng terrace.

Tinakpan niya ang bibig niya.

“Sorry.”

Rafael smiled.

Hindi maliit.

Hindi controlled.

Totoo.

At doon muntik nang bumigay ang tuhod ni Sora, pero sinisi niya ang heels.

“Can I hold your hand?” tanong niya.

Sora blinked.

“Grabe. May verbal consent form?”

“Yes.”

“Good. I appreciate compliance.”

“So?”

Tiningnan niya ang kamay nito.

Tapos ang paligid.

Glass doors.

Terrace.

May tao.

Company event.

New acting supervisor.

Fresh promotion.

Possible chismis.

At si Rafael, naghihintay pa rin.

“Saglit lang,” sabi niya.

Inabot niya ang kamay nito.

Warm.

Steady.

Hindi mahigpit.

Hindi possessive.

Hawak lang.

Pero sa loob ni Sora, parang may nagsindi ng ilaw sa parte ng sarili niyang matagal nang sanay sa fluorescent ng mall kiosk.

“Secret muna,” sabi niya.

Rafael’s thumb moved lightly over her fingers.

“Secret muna.”

“Hindi dahil nahihiya ako.”

“I know.”

“Kundi dahil gusto kong huminga muna bago tayo gawing branch newsletter.”

“Understood.”

“At kung malalaman man nila, dapat hindi dahil sa picture sa group chat.”

“Agreed.”

“Good.”

“Good.”

Nagkatinginan sila.

At pareho silang natawa.

Hindi nila alam na sa kabilang bahagi ng terrace, may isang empleyadong kakalabas lang para tumawag.

Hindi nila alam na nakita nito ang hawak nilang kamay.

Hindi nila alam na kahit gaano sila kaingat, may mga bagay na hindi naitatago sa mundong gutom sa kuwento.

Pagbalik nila sa ballroom, binitawan nila ang kamay ng isa’t isa bago pumasok.

Professional.

Maingat.

Parang walang nangyari.

Pero nang makaupo si Sora sa table, agad siyang tinitigan ni Kevin.

“Anak.”

“Ano po?”

“Bakit ang mukha mo parang nanalo ka ng raffle na ayaw mong ipaalam?”

Nabulunan si Sora sa tubig.

“Wala po.”

Kevin narrowed his eyes.

“Sora.”

“Sir.”

“May nangyari.”

“Wala po.”

“Hindi ako pinanganak kahapon.”

“Hindi nga po. Mukha kayong pinanganak with eyeliner.”

“Flattery will not save you.”

Napatingin si Sora sa stage, kunwari interested sa next award.

Pero hindi niya mapigilan ang ngiti.

At iyon ang mas lalo niyang ikinapahamak.

Kevin leaned closer.

“Later. Full report.”

“Sir, employee po ako, hindi incident form.”

“Tonight, pareho.”

Sa kabilang table, nakita ni Sora si Rafael na kausap ang isang corporate manager.

Professional ang mukha nito.

Calm.

Untouchable.

Pero nang saglit itong lumingon sa kanya, halos hindi halata ang ngiti.

Halos.

Pero nakita ni Sora.

At sapat na iyon para uminit ulit ang pisngi niya.

Sila na.

Tahimik.

Ingat.

Sila lang ang may alam.

O iyon ang akala nila.

Dahil sa kabilang dulo ng ballroom, may isang pares ng matang matagal nang nakatingin.

At habang nagsisimula ang susunod na award, may isang phone na tahimik na bumukas.

May message na tinype.

Maikli lang.

Pero sapat para magsimula na naman ang panibagong gulo.

Mukhang hindi lang promotion ang nakuha ni Sora tonight.

Previous Next