Ang Ahente at Ang Tagapagmana – Chapter 14

“Bia,” sabi ni Rafael, maingat ang tono, “this is Sora.”

Ngumiti si Sora.

Iyong ngiting pang-client.

Iyong kaya niyang ilabas kahit pagod, gutom, o gusto na niyang umatras papunta sa guard house.

“Happy birthday,” sabi niya. “Pasensya na, hindi ko alam na birthday dinner pala ito.”

Tumigil sandali ang tingin ni Bia sa kanya.

Pagkatapos, ngumiti ito.

Maganda ang ngiti.

Malamig nga lang.

“Really? Kuya didn’t tell you?”

Tinignan ni Sora si Rafael.

Kung tingin lang ang usapan, nasapak na niya ito gamit ang gel pads.

Rafael looked guilty.

Hindi na kailangan ng confession.

Nakasulat na sa mukha niya.

“May change of plan,” sabi ni Rafael.

“Obviously,” sagot ni Bia.

May ilang guest sa entrance ang napatingin sa kanila. Hindi halata kung nakikinig o sadyang mayaman lang talaga silang tumingin sa problema ng iba.

Lumapit si Rafael kay Sora nang bahagya.

“Are you okay?”

Ngumiti si Sora nang hindi tumitingin sa kanya.

“Later natin pag-usapan ang definition ng okay.”

“Sora—”

“Birthday ng kapatid mo,” putol niya. “Huwag tayong gumawa ng eksena sa may entrance. Hindi bagay sa flowers.”

Bahagyang nagbago ang mukha ni Bia.

Parang hindi nito alam kung matatawa o maiinis.

Mas pinili nitong mainis.

“Come in,” sabi ni Bia. “Mom will want to meet her.”

Iyong “her” ay hindi masakit pakinggan dahil sa word.

Masakit dahil sa tono.

Parang gamit.

Parang surprise delivery.

Parang may dinalang bagay si Rafael na kailangang i-check kung bagay sa bahay.

Pumasok sila sa loob.

At doon mas lalong napatunayan ni Sora na hindi ito simpleng birthday dinner.

Hindi ito iyong birthday na may spaghetti, lumpia, at videoke.

Hindi rin ito iyong birthday na may tarpaulin sa labas at lobo na nakatali sa monoblock.

Ito iyong klase ng birthday na may live string quartet sa gilid ng garden, may servers na naka-puting gloves, may tables na may pangalan, at may cake na parang ayaw kainin dahil mukhang mas mahal pa kaysa ref nila sa bahay.

Napalunok si Sora.

“Rafael,” bulong niya.

“Yes?”

“Kung may magtanong sa akin kung anong wine gusto ko, sasabihin ko na lang tubig na may yelo.”

“Okay lang iyon.”

“Hindi okay. Mapa-pronounce ko pa lang ang sauvignon, baka ma-demote na ako socially.”

Napatingin si Rafael sa kanya.

“Hindi ka nila puwedeng i-demote.”

“Mayaman sila. Baka may secret system.”

Gusto niyang matawa si Rafael.

Pero hindi ito tumawa.

Mas lalo siyang nakonsensya tingnan.

Doon lalong uminit ang ulo ni Sora.

Kasi kinakabahan na nga siya, naawa pa siya sa lalaking may kasalanan kung bakit siya nandoon.

Ang komplikado.

Sa may garden, nakita niya si Don Augusto.

Nakatayo ito malapit sa isang matandang lalaki na kausap niya. Simple ang suot nitong dark suit. Walang masyadong expression. Walang eksenang “welcome to the family.” Walang cold stare na pang-kontrabida.

Tumango lang ito nang makita sila.

“Sora,” bati nito.

“Good evening po, sir.”

“Good evening.”

Tapos bumalik ito sa kausap.

Iyon na iyon.

At weirdly, iyon ang pinaka-comforting na nangyari sa unang limang minuto niya sa bahay ng Valderama.

Pormal.

Tahimik.

Walang patutsada.

Parang Don Augusto’s version ng “Hindi kita aawayin habang may bisita.”

“See?” bulong ni Sora kay Rafael. “Kay Don Augusto ako kampi tonight.”

“I’ll try to earn points back.”

“Good luck.”

Hindi sila nakalayo nang may lumapit na babae mula sa gitna ng garden.

Elegant.

Cream dress.

Pearl earrings.

Ayos na ayos ang buhok.

Ngiting hindi nagmamadali dahil sanay siyang siya ang hinihintay ng tao.

Hindi kailangang ipakilala.

Alam na agad ni Sora.

Doña Carmina Valderama.

Nanay ni Rafael.

At mukhang hindi masaya.

“Rafael,” sabi nito.

“Mom.”

Dumampi ang tingin ni Doña Carmina kay Sora.

Hindi matagal.

Hindi rin mabilis.

Sakto lang para maramdaman ni Sora na parang na-scan siya mula presyo ng hikaw hanggang kalidad ng heels.

“And this is?”

Huminga nang malalim si Rafael.

“This is Sora Guillermo.”

Ngumiti si Sora.

“Good evening po.”

“Good evening,” sagot ni Doña Carmina.

Walang init.

Walang galit.

Mas delikado.

“Friend of Rafael’s?” tanong nito.

Saglit na natahimik si Rafael.

Doon nanlamig ang batok ni Sora.

Hindi pa sila public.

Secret muna.

Iyon ang usapan.

Pero paano mo ipapakilala ang secret girlfriend sa nanay na mukhang kayang makatunog ng kasinungalingan sa pamamagitan ng table setting?

Rafael looked at her.

Hindi siya nagdesisyon mag-isa.

Naghintay siya.

At kahit kabado si Sora, na-appreciate niya iyon.

Maliit na bagay.

Pero malaking ibig sabihin.

Ngumiti siya nang kaunti.

“Friend po,” sagot ni Sora.

Doña Carmina’s eyes stayed on her.

“Friend.”

“Opo.”

Bia appeared beside her mother.

“Kuya’s friend,” ulit nito, parang may lasa ang word.

“Bia,” sabi ni Rafael.

“What? I’m repeating.”

Sora looked at Bia and smiled.

“Okay lang. Minsan kailangan ulitin kapag important.”

Saglit na natigilan si Bia.

Hindi sanay na sinasagot.

Hindi rin siguro sanay na sinasagot nang nakangiti.

Doña Carmina tilted her head.

“So, Sora, how did you and Rafael meet?”

Rafael was about to answer.

Pero nauna si Sora.

“Sa work po.”

Doon kumurap si Bia.

“Work?”

“Opo.”

“You work with Kuya?”

“Not directly po.”

Doña Carmina looked at Rafael.

“In the company?”

“Yes,” sabi ni Rafael. “She works at one of our branches.”

May bahagyang pagbabago sa mukha ni Doña Carmina.

Hindi gulat na malaki.

Pero sapat para makita ni Sora.

Hindi pala nito alam.

Hindi niya alam kung dapat ba siyang mainis o matuwa.

Mainis, kasi bakit niya dinala si Sora rito kung hindi man lang pala alam ng nanay niya kung sino siya?

Matuwa, kasi at least hindi pa nito hawak lahat ng impormasyon.

Yet.

“What do you do?” tanong ni Bia.

“Real estate sales po.”

“Agent?” tanong nito.

“Opo.”

May katahimikan.

Hindi mahaba.

Pero alam ni Sora ang ganitong klase ng katahimikan.

Ito iyong katahimikan pagkatapos marinig ng tao ang trabaho mo at nire-recalculate niya ang respeto niya.

Doña Carmina’s smile stayed polite.

“I see.”

Bia took a sip from her glass.

“Interesting.”

Walang interesting doon.

Ang ibig sabihin ni Bia: Ah.

Ah, branch agent.

Ah, employee.

Ah, kaya pala.

Sora kept smiling.

“Interesting naman po minsan. Depende sa client.”

“Do you sell our premium properties?” tanong ni Doña Carmina.

“Hindi po directly. Mostly branch and mall inquiries po. Pero recently, nakatulong po ako sa pilot feedback ng premium site communication.”

“Pilot feedback,” ulit ni Bia.

“Opo.”

Rafael spoke, his voice calm but firm.

“Sora was recognized at the company gala for that.”

Tumango si Doña Carmina, pero halatang hindi nito alam ang detalye.

“Ah. The gala last week.”

“Opo,” sabi ni Sora. “Doon po ako na-promote as Acting Sales Supervisor.”

Doon na talaga nagbago ang tingin ni Bia.

“Acting?”

“Opo. Three months evaluation po.”

“Congratulations,” sabi ni Doña Carmina.

Tama ang word.

Mali ang lamig.

“Thank you po.”

“Very fast career movement,” dagdag nito.

Ayan na.

Sora heard it.

Rafael heard it too.

“Mom,” sabi niya.

“What?” Doña Carmina asked. “I congratulated her.”

Sora gently touched Rafael’s arm.

Saglit lang.

Tama na.

Huwag dito.

Hindi dahil takot siya.

Kundi dahil birthday iyon ni Bia.

At kahit malamig ang mga tao roon, hindi siya pinalaki ni Nanay Meding para gumawa ng eksena sa birthday ng iba.

Bia smiled.

“So you’re new as supervisor.”

“Acting supervisor po.”

“And new as Kuya’s friend?”

Sora felt Rafael stiffen beside her.

“Bia,” he warned.

Sora smiled again.

“Hindi po ako sure sa exact date ng friendship promotion.”

Bia blinked.

Doña Carmina looked at her more closely.

Rafael looked down for a second, probably trying not to smile.

Bad idea.

Bia saw it.

Mas lumamig ang expression nito.

“Funny,” said Bia.

“Kapag kinakabahan po,” sagot ni Sora.

“And are you nervous?”

“Opo.”

At least honest.

Walang point magpanggap na sanay siya sa garden party na may violin at flowers na mukhang imported.

Doña Carmina seemed slightly surprised.

“Why?”

Sora looked around.

“Una po, hindi ko alam na party pala ito. Pangalawa, ang ganda po ng bahay ninyo. Pangatlo, kanina ko lang po nalaman na birthday ng kapatid ni Rafael. Pang-apat, pakiramdam ko po may dessert fork dito na hindi ko makikilala.”

May tumawa sa gilid.

Isang babae na kaedad siguro ni Bia, mabilis na tinakpan ang bibig.

Bia glanced at her.

Tumahimik ang babae.

Doña Carmina did not laugh.

Pero si Don Augusto, mula sa hindi kalayuan, napatingin sandali.

Hindi siya ngumiti.

Pero parang muntik.

“Enjoy the dinner,” sabi ni Doña Carmina. “We will talk later.”

Hindi iyon invitation.

Hindi rin threat.

Pero sa pakiramdam ni Sora, may kasama nang background music.

“Opo,” sagot niya.

Pagkaalis nina Doña Carmina at Bia, halos sabay silang huminga ni Rafael.

Sora looked at him.

“Later?”

“I’ll handle it.”

“No,” sabi niya agad.

Rafael stopped.

“Ano?”

“Hindi mo ako iha-handle. At hindi mo rin sila- iha-handle para sa akin.”

“Sora, I brought you here without warning. Let me at least—”

“Exactly. Dinala mo ako dito without warning. Kaya huwag mong dagdagan by making me look like kailangan mo akong ipagtanggol every three minutes.”

He looked pained.

“Okay.”

“Good.”

“I’m sorry.”

“Good din.”

“Still mad?”

“Oo.”

“Fair.”

“Sobrang fair.”

Tahimik silang ilang segundo.

Then Sora looked around.

“Pero since nandito na rin ako, saan ang pagkain?”

Napatingin siya rito.

“Food?”

“Rafael, hindi ako magpapakagutom habang hinuhusgahan. Hindi ako amateur.”

For the first time that evening, natawa siya.

“Come on.”

Dinala siya ni Rafael sa buffet area, pero hindi iyong ordinaryong buffet.

Walang chafing dish na may kanin at beef caldereta.

May mga maliit na pagkain na nakalagay sa platitong parang pang-display.

May salad station.

May carving station.

May pasta na niluluto habang nanonood ang guest.

May dessert table na parang jewelry store.

Napahinto si Sora.

“May security guard ba ang dessert?”

“Wala.”

“Sure ka? Mukhang kailangan ng appointment.”

“Choose anything.”

Tinignan siya ni Sora.

“Ikaw ang nagdala sa akin sa war zone. Ikaw ang pipila sa pasta.”

“Yes, ma’am.”

“Good.”

Habang naghihintay si Rafael sa pasta station, may lumapit kay Sora na dalawang babae.

Mukhang friends ni Bia.

Parehong maganda.

Parehong mabango.

Parehong may ngiting pang-picture pero matang pang-interview.

“Hi,” sabi ng isa. “You’re with Rafa?”

Ngumiti si Sora.

“Kasama ko po siya, yes.”

“Cute. We haven’t seen you before.”

“Hindi po ako usually nasa birthday party ng mayaman.”

Natigilan ang dalawa.

Then tumawa iyong isa, pero hindi sigurado kung dapat.

“I’m Trisha,” sabi nito.

“Sora.”

“I heard you work for Valderama?”

“Opo.”

“Which department?”

“Sales po.”

“Oh.”

Ayan na naman iyong “oh.”

Kung makapagsalita ang mga tao ng “oh,” parang may kasunod na invisible footnote.

“Oh, kaya pala.”

“Oh, employee.”

“Oh, interesting.”

Sora kept smiling.

“Branch side po.”

“Ah,” sabi ni Trisha. “That must be… busy.”

“Opo. Minsan po mas busy pa sa party. At least sa branch, alam ko kung sino ang buyer.”

Tumawa iyong isang babae.

This time, totoo.

Trisha did not.

“You’re funny.”

“Survival skill po.”

Sakto namang bumalik si Rafael dala ang plate.

Tumingin ito sa dalawang babae.

“Trisha. Aly.”

“Rafa,” sabi ni Trisha, mas lumiwanag ang mukha. “Long time.”

“Yeah. Excuse us.”

Maikli.

Polite.

Pero malinaw.

Hindi na nagtangkang humaba ang usapan.

Nang makalayo sila, tiningnan siya ni Sora.

“Ex?”

“Not exactly.”

“Almost?”

He paused.

“Sora.”

“Ay, guilty.”

“No. We went out twice.”

“Dinner?”

“Yes.”

“Libre mo?”

“Yes.”

“May dessert?”

“I think so.”

“Okay. Accepted.”

He frowned slightly.

“Accepted?”

“Wala akong karapatan magalit sa libreng dinner ng past. May history din ako.”

Rafael looked at her.

She took a bite of pasta before explaining.

“May naka-date ako dati, nilibre ako ng ramen. Pagkatapos, nagyabang na marunong daw siya mag-Japanese kasi lagi raw siya sa Japan. Tapos ang order niya, ramen pero fork ang hinanap.”

Rafael almost choked.

“Don’t laugh. Baka makita tayo ng ex-almost mo.”

“I’m not laughing.”

“Nanginginig balikat mo.”

He looked away, still smiling.

“Sorry.”

“Okay lang. Ako rin natawa that night. Hindi na niya ako niyaya ulit.”

“His loss.”

“My free ramen loss din, pero okay lang. May dignity pa rin ako kahit gutom.”

Rafael looked at her for a moment.

This time, hindi siya tumawa.

Mas seryoso ang tingin niya.

At dahil ayaw ni Sora na mapunta na naman sila sa emotional zone habang nasa birthday ng kapatid nitong mukhang may sariling security system, tinuro niya ang plate.

“Pasta muna. Feelings later.”

“Yes, ma’am.”

Kumain sila sa isang table sa gilid ng garden.

Hindi sila magkatabi nang dikit.

Hindi rin sila sobrang layo.

Tamang distansya ng dalawang taong may sikreto pero may CCTV sa imahinasyon.

Paminsan-minsan, may bumabati kay Rafael.

Business friends.

Family friends.

Friends ni Bia.

Mga taong parang lahat may foreign school, beach house, at skincare routine na hindi kailangan ng filter.

Sora smiled.

Answered politely.

Ate carefully.

Asked Rafael twice kung alin ang tamang fork.

Once lang siya muntik magkamali sa glass.

Progress.

Pero kahit gaano siya magpanggap na okay, ramdam niya ang tingin nina Doña Carmina at Bia mula sa malayo.

Hindi palagi.

Hindi obvious.

Pero enough.

Parang may invisible thread na nakatali sa kanya.

At bawat galaw niya, may nagtatala.

Matapos ang dinner, nagkaroon ng short program para kay Bia.

May speech si Doña Carmina.

Elegant.

Perfect.

Sakto ang emotion.

Iyong klase ng speech na parang sinulat ng taong marunong magmahal pero mas marunong mag-control.

“My daughter has always known what she wants,” sabi nito sa harap ng mga bisita. “She is strong, intelligent, and she knows the value of family.”

Palakpakan.

Ngumiti si Bia.

Maganda siya sa ilaw.

Halatang mahal ng pamilya.

Halatang sanay mahalin nang nakikita ng lahat.

Pagkatapos, nag-speech si Rafael.

Maikli lang.

“Happy birthday, Bia. You annoy me more than anyone else in this room, but I’d still answer if you called me at three in the morning. I love you.”

Tumawa ang mga bisita.

Ngumiti si Bia.

For a moment, nawala ang taray niya.

Nakita ni Sora ang bunso.

Hindi lang rich girl.

Hindi lang mataray na kapatid.

Kundi kapatid na mahal ang kuya niya at takot siguro na maagawan ng lugar.

Hindi pa rin siya naging nice.

Pero naging tao siya sa mata ni Sora.

At minsan, iyon ang unang step.

Natapos ang program.

Naglakad si Sora papunta sa garden path sa gilid para sumagap ng hangin.

Hindi siya nagtago.

Hindi rin siya lumayo nang sobra.

May ilang bisita pa rin sa paligid. May dalawang matandang babae sa bench. May server na nag-aayos ng glasses. May couple na nag-uusap malapit sa fountain.

Safe.

Public.

May air.

Kailangan niya lang huminga.

Kinuha niya ang phone niya.

May message si Kevin.

Alive?

Napangiti siya.

Nag-reply siya.

Nasa birthday ng kapatid niya. Hindi restaurant. Pray for me and Jessa’s dress.

Mabilis ang reply.

ANAK WHAT

Hindi na niya nasagot.

May boses sa likod niya.

“Ms. Guillermo.”

Nanlamig ang batok ni Sora.

Dahan-dahan siyang humarap.

Si Doña Carmina.

Walang kasamang Rafael.

Walang Bia.

Walang ngiti.

May hawak itong maliit na clutch.

At kahit may ibang tao sa paligid, pakiramdam ni Sora biglang lumiit ang garden.

“Ma’am,” sabi ni Sora.

“May I have a word?”

Gusto niyang sabihin, “May choice po ba ako?”

Pero hindi.

Acting supervisor.

Guest.

May suot na hiniram na dress.

Control yourself.

“Opo.”

Lumapit si Doña Carmina.

Hindi masyadong malapit.

Sakto lang para hindi marinig ng iba ang normal na boses.

Pero kung may sumigaw, siguradong lilingon ang mga tao.

“You seem comfortable,” sabi nito.

Ngumiti si Sora.

“Hindi po. Magaling lang po akong mag-act normal.”

“At least you admit it.”

“Opo. Tipid po sa oras.”

Doña Carmina’s expression did not change.

“I will be direct.”

Naku.

Kapag sinabi ng mayaman na direct sila, kadalasan ibig sabihin may papasok na kutsilyo na naka-ribbon.

“Rafael should not have brought you here.”

Masakit.

Pero expected.

“Dapat po sinabi niya sa akin agad kung saan niya ako dadalhin,” sagot ni Sora. “Doon po tayo agree.”

“I don’t think you understand me.”

“Naiintindihan ko po kayo.”

“No, you don’t.”

Binuksan ni Doña Carmina ang clutch.

At mula roon, inilabas niya ang isang makapal na puting envelope.

Hindi card.

Hindi invitation.

Hindi letter.

Pera.

Kahit hindi pa buksan, alam ni Sora.

May mga bagay na may bigat kahit nakatago.

“I want you to leave tonight,” sabi ni Doña Carmina.

Hindi kumilos si Sora.

“I want you to stay away from my son. And I want you to resign from the company before this becomes worse for everyone.”

Tahimik ang garden.

May tumatawa sa malayo.

May basong tumunog sa tray.

May hangin na dumaan sa puno.

Pero sa tenga ni Sora, ang linaw lang ng boses ni Doña Carmina.

Leave.

Stay away.

Resign.

Parang tatlong pinto na sabay-sabay isinara sa mukha niya.

“Ma’am,” sabi ni Sora, mabagal, “trabaho ko po iyon.”

“I know.”

“Promotion ko po iyon.”

“I heard.”

“Pinaghirapan ko po iyon.”

“I am sure.”

Pero hindi iyon tunog naniniwala.

Tunog tapos na siya makinig.

Inabot ni Doña Carmina ang envelope.

“Five hundred thousand pesos. Cash. Take it and leave quietly.”

Hindi agad tinanggap ni Sora.

Tinitigan niya ang envelope.

Limang daang libo.

Cash.

Hindi check.

Hindi promise.

Hindi transfer.

Pera.

Nasa harap niya.

Sa garden ng bahay ng Valderama.

Habang may ilang taong malapit-lapit lang.

Habang nasa loob si Rafael, baka hinahanap siya.

Habang suot niya ang dress ni Jessa at dala ang asin ni Lola Ason.

Naramdaman ni Sora na nanginginig ang mga daliri niya.

Hindi dahil gusto niyang umiyak.

Kundi dahil may parte ng utak niya na nag-compute agad.

Utang.

Bills.

Emergency fund.

Gamot.

Groceries.

Possibility.

At iyon ang pinaka-insulto.

Kasi alam ng pera kung saan ka mahina.

Doña Carmina held the envelope closer.

“Be practical.”

Doon tumingin si Sora sa kanya.

“Practical po ako.”

“Then take it.”

Huminga si Sora nang malalim.

Pagkatapos, kinuha niya ang envelope.

Sandaling kumislap ang satisfaction sa mata ni Doña Carmina.

Sandali lang.

Dahil binuksan ni Sora ang envelope.

Sinilip niya ang loob.

Tinignan ang kapal ng pera.

At ngumiti.

“Salamat po dito,” sabi ni Sora. “Malaking tulong.”

Natigilan si Doña Carmina.

Hindi iyon ang reaction na inaasahan niya.

“Sora—”

“Binigay niyo na po, ha. Wala nang bawian.”

Nanigas ang mukha ni Doña Carmina.

“You understand the condition.”

“Opo. Sinabi niyo po na umalis ako sa party, layuan ang anak ninyo, at mag-resign.”

“Good.”

“Ang hindi ko po maalala, pumirma ako.”

Bumigat ang katahimikan.

May isang server sa hindi kalayuan na napatingin.

Mabilis ding umiwas.

Doña Carmina’s voice lowered.

“Do not play games with me.”

“Hindi po ako nakikipaglaro. Nililinaw ko lang po. Binigyan niyo ako ng pera sa gitna ng garden habang may mga tao sa paligid. Wala po kayong pinapirma. Wala rin po akong sinabing yes.”

“Then give it back.”

Niyakap ni Sora ang envelope sa dibdib niya.

“Ay, sorry po. No return, no exchange.”

“Sora Guillermo.”

Doon muntik na siyang matawa.

Hindi dahil nakakatawa.

Kundi dahil sobrang lala ng sitwasyon, ang utak niya naghahanap ng exit.

“Ma’am, kayo po ang nag-abot. Tinanggap ko lang po. Sa sales po, kapag willingly given ang item, hindi puwedeng biglang bawiin dahil nagbago ang mood ng client.”

“You are shameless.”

“Opo, medyo. Pero hindi po ako mabibili.”

“Then why take the money?”

Sora’s smile faded.

Doon nawala ang comedy sa mukha niya.

“Because you wanted to prove I have a price,” sabi niya. “I wanted to prove you were willing to pay it.”

Hindi sumagot si Doña Carmina.

“Ngayon pareho na po tayong may hawak na totoo,” dagdag ni Sora. “Ako, pera. Kayo, ugali ninyo.”

Nanlaki nang bahagya ang mata ni Doña Carmina.

Hindi sanay.

Hindi sanay na sinasagot.

Hindi sanay na may taong hindi yumuyuko kahit may dala siyang cash.

“Do you know who you’re talking to?” tanong nito.

“Opo. Nanay po ni Rafael.”

“Then you should know your place.”

Sora’s grip tightened on the envelope.

Do not forget your place.

Narinig na niya iyon.

Kay Maredith.

Sa branch.

Sa lugar na akala ng iba, hindi siya bagay umangat.

At ngayon, dito.

Sa garden.

Sa bahay na may ilaw, flowers, at five hundred thousand pesos na insulto.

Napangiti siya nang maliit.

Pagod.

Pero buo.

“Alam ko po ang lugar ko,” sabi niya. “Ako po si Sora Guillermo. Acting Sales Supervisor. Empleyado ng Valderama Land dahil may trabaho akong ginagawa, hindi dahil may anak kayong nagkagusto sa akin.”

Tumigas ang mukha ni Doña Carmina.

“At sorry po,” dagdag ni Sora, “I won’t live my life the way other people want me to.”

Saglit siyang huminga.

“Malaki na po ako. Hindi ko kailangan ng saliwang patnubay.”

May biglang tumikhim sa gilid.

Isa sa matatandang babae sa bench, halatang narinig ang huling linya.

Tinakpan nito ang bibig niya gamit ang pamaypay.

Hindi alam ni Sora kung shock o pigil na tawa.

Doña Carmina noticed.

Mas lalong tumalim ang tingin nito.

“You are making a scene.”

“Hindi po. Kayo po ang may dalang cash sa garden. Ako po ang may hawak ngayon.”

“You think Rafael will admire this?”

“Hindi ko po alam. Pero kung hindi niya kayang tanggapin na hindi ako tahimik kapag binibili ako ng nanay niya, mas mabuting malaman ko na agad.”

“Sora.”

Hindi si Doña Carmina ang nagsalita.

Rafael.

Nasa may garden path siya.

Nakatayo.

Nakita niya ang envelope sa kamay ni Sora.

Nakita niya ang mukha ng ina niya.

Nakita niya siguro ang lahat ng hindi na kailangang ipaliwanag.

Sa likod niya, nandoon si Bia.

At sa may hagdan papunta sa garden, tahimik na nakatayo si Don Augusto.

Biglang nanlamig ang paligid.

Hindi dahil sa hangin.

Kundi dahil sa bigat ng mga taong biglang naging saksi.

Rafael walked toward them.

Hindi mabilis.

Hindi mabagal.

Pero bawat hakbang, ramdam ang pigil na galit.

“Mom,” sabi niya.

Doña Carmina straightened.

“Rafael, this is not—”

“How much?”

Tahimik.

Hindi gumalaw si Sora.

Hindi rin nagsalita si Bia.

Rafael looked at the envelope.

Then at his mother.

“How much did you give her?”

Doña Carmina’s mouth tightened.

“Rafael.”

“How much?”

Sora swallowed.

She raised the envelope slightly.

“Five hundred thousand.”

Bia gasped softly.

May isa pang bisita sa malayo na biglang tumigil sa paglakad.

Don Augusto’s face did not change.

Pero ang katahimikan niya, mas mabigat kaysa sigaw.

Rafael stared at the envelope.

Then at Sora.

“Did you take it?”

Sora lifted her chin.

“Oo.”

Something painful crossed his face.

For one second, parang may nabasag.

Pero hindi umatras si Sora.

Hindi siya magpapanggap.

Hindi siya magsisinungaling.

Hindi siya magiging mabait para lang maging madali ang scene.

“Kinuha ko,” sabi niya. “Pero hindi ako pumayag.”

Rafael did not speak.

Doña Carmina looked almost relieved for a moment, as if the first answer was enough.

But Sora continued.

“Kinuha ko kasi binigay niya. Kinuha ko kasi gusto niyang patunayan na kaya niya akong bilhin. Kinuha ko kasi gusto kong makita ninyong lahat na hindi porke tumanggap ako ng pera, ibig sabihin nabili na ako.”

Her voice shook.

But she did not stop.

“I’m not leaving because she paid me. I’m leaving because I refuse to stay in a party where I’m treated like something that can be priced.”

Rafael’s face changed.

“Sora—”

She looked at him.

Nasasaktan siya.

Galit siya.

Gusto niyang umiyak.

Pero higit sa lahat, pagod na pagod siyang magpaliwanag kung bakit hindi siya maliit.

“And Rafael,” sabi niya, mas mahina, “next time you bring someone into your world, make sure alam niyang battlefield pala ang dinner.”

Tahimik ang garden.

Doon lang gumalaw si Don Augusto.

Lumapit siya nang ilang hakbang.

Tumingin siya kay Sora.

Pagkatapos, sa envelope.

Pagkatapos, kay Doña Carmina.

“Carmina,” sabi niya.

Isang pangalan lang.

Pero parang buong pader ang bumagsak.

Doña Carmina did not look at him.

Bia looked shaken.

Rafael looked furious.

And Sora?

Sora clutched the envelope, turned around, and walked back toward the house.

Hindi siya tumakbo.

Hindi siya nagwala.

Hindi siya nagpaawat.

Lumakad siya nang tuwid kahit nanginginig ang tuhod niya.

Sa loob ng bag niya, nandoon pa rin ang asin ni Lola Ason.

Sa kamay niya, nandoon ang limang daang libong insulto.

At sa likod niya, narinig niya si Rafael.

“Sora, wait.”

Huminto siya sandali.

Hindi siya lumingon.

“Hindi ngayon,” sabi niya.

Then she walked out of the Valderama garden, habang ang buong bahay na akala niya ay restaurant lang dapat, unti-unting naging lugar na hindi niya alam kung kaya pa niyang balikan.

Previous Next