Ang Ahente at Ang Tagapagmana – Chapter 6

Hindi gumalaw si Sora.

Kahit gusto niyang tumayo.

Kahit gusto niyang sabihin, “Excuse me po, akin ’yan.”

Kahit gusto niyang ituro ang screen at ipaalam sa buong conference room na ang nakalagay doon ay galing sa laptop niyang may tape sa gilid.

Tahimik siya.

Kasi nasa corporate office siya.

Nasa harap niya si Don Augusto.

Nasa kabilang dulo si Rafael.

At kahit gaano siya kaprangka, alam niyang may tamang lugar para sumabog.

Ito ang lugar kung saan kapag mali ang pagputok mo, ikaw ang mapapaso.

Nagpatuloy ang presentation ng marketing manager.

“Based on the branch input submitted last night,” sabi nito, “we categorized common questions from mall buyers into eight key concerns.”

Branch input.

Napatingin si Sora kay Kevin.

Hindi nakatingin sa kanya si Kevin. Nakatingin ito sa screen, pero ramdam ni Sora ang pagbabago sa mukha nito. Wala na ang usual arte. Wala na ang comedy.

Operations Manager na talaga ang nasa tabi niya ngayon.

Paglipat sa next slide, lumabas ang recommended answer.

Naroon ang exact line niya.

“May options po depende sa budget at payment plan na kaya ninyo.”

Napakagat si Sora sa loob ng pisngi niya.

Rafael leaned back in his chair. Tahimik lang siya, pero hindi na sa screen nakatingin.

Kay Sora na.

“Miss Guillermo,” sabi ni Don Augusto.

Halos malaglag ang ballpen sa kamay niya.

“Yes po, sir?”

“Do you agree with this answer?”

Bumilis ang tibok ng puso niya.

May pagkakataon na siya.

Isang sentence lang, pwede niyang sirain si Maredith.

Pero kung gagawin niya iyon ngayon, ano ang lalabas?

Bida-bida.

Reklamador.

Ahenteng hindi marunong rumespeto sa supervisor.

Huminga siya nang mabagal.

“Yes po, sir,” sagot ni Sora. “That answer can work sa mall kiosk.”

Tumango si Don Augusto. “Why?”

“Kasi hindi niya pinapangunahan ang buyer,” sabi niya. “Hindi siya agad nagyayabang ng amenities. Binubuksan niya muna ang usapan sa budget at purpose. Doon po mas nagiging comfortable ang client.”

Nagsulat ang isang marketing staff.

Si Kevin, tahimik pa rin.

“Can you improve it?” tanong ni Rafael.

Napatingin si Sora sa kanya.

Hindi siya nakangiti.

Hindi rin siya mukhang nang-aasar.

Naghihintay siya.

Sora sat straighter.

“Pwede pong dagdagan ng follow-up question,” sabi niya. “‘Para po mas matulungan ko kayo, property for own use po ba, investment, or future plan for family?’ Kasi doon po malalaman kung anong angle ang gagamitin. Hindi pare-pareho ang pain point ng buyer.”

“Example?” tanong ni Rafael.

“Kapag OFW family, security at turnover ang madalas tanong. Kapag young couple, monthly payment at location. Kapag small business owner, requirements at proof of income. Kapag parents buying for anak, safety, accessibility, at long-term value.”

Saglit na natahimik ang room.

Hindi na siya tumingin kay Kevin.

Baka kapag nakita niya ang mukha nito, mawalan siya ng tapang.

“Good,” sabi ni Don Augusto.

Isang word lang.

Pero sapat na para halos bumigay ang tuhod niya kahit nakaupo siya.

Nagpatuloy ang meeting. May discussion tungkol sa pilot testing sa selected mall kiosks. May usapan tungkol sa revised brochure insert, simplified computation sheet, at FAQ training para sa agents.

Hindi na muling binanggit ang pangalan ni Maredith.

Pero nandoon pa rin sa slides.

Nasa footer.

Nasa file name.

Nasa bawat page na dapat sana ay may pangalan ni Sora.

Pagkatapos ng meeting, nagsialisan ang ibang managers. Si Sora ay nag-aayos ng gamit nang maramdaman niyang lumapit si Kevin.

“Anak,” mahinang sabi nito.

“Opo?”

“Proud ako sa’yo.”

Napatingin siya rito.

“Hindi ka sumabog,” dagdag ni Kevin. “That was very adult. Nakakagulat.”

“Sir, muntik na po.”

“Ang importante, hindi natuloy.”

Pinilit ngumiti ni Sora, pero mabigat pa rin ang dibdib niya.

“Sir, nakita niyo po ’yon, di ba?”

Nawala ang ngiti ni Kevin.

“Nakita ko.”

“Hindi ako nag-iinarte?”

“Hindi.”

“Hindi ako paranoid?”

“Hindi.”

“Hindi ako—”

“Sora,” putol ni Kevin. “May email trail tayo. You sent me a copy.”

Doon lang siya nakahinga nang kaunti.

“Pero huwag kang gagalaw mag-isa,” sabi ni Kevin. “Ako ang bahala sa tamang proseso.”

“Tamang proseso meaning?”

“Hindi tayo mang-aaway sa hallway. Hindi tayo magpo-post sa Facebook. At lalong hindi tayo magpaparinig habang nasa pantry.”

Napangiwi si Sora. “Sayang. May draft na po ako sa utak.”

“Delete mo.”

Bago pa siya makasagot, lumapit si Rafael. Hawak nito ang tablet niya, seryoso ang mukha.

“Mr. Dizon,” sabi nito. “Can you forward me the original file Miss Guillermo sent you last night?”

Natigilan si Sora.

Kevin answered without hesitation. “Yes, sir.”

Tumingin si Rafael kay Sora. “You should have said something.”

Biglang uminit ang mukha niya.

“Sir, nasa meeting po tayo.”

“I know.”

“Supervisor ko po ang nakalagay doon.”

“I know.”

“Agent lang po ako.”

Saglit siyang tinitigan ni Rafael.

“That doesn’t mean your work can be taken from you.”

Hindi agad nakasagot si Sora.

May kung anong kumirot sa dibdib niya. Hindi kilig. Hindi rin lungkot.

Parang may taong biglang nagsabi na hindi siya OA.

Na may karapatan siyang mainis.

Na may halaga ang ginawa niya.

“Thank you po,” mahina niyang sabi.

Tumango si Rafael. “We’ll handle it properly.”

Paglabas nila ng conference room, doon lang niya binuksan ang phone niya.

May message mula kay Maredith.

Good presentation? Sana hindi ka masyadong natuwa. Remember, branch effort ’yan.

Napatigil si Sora sa gitna ng hallway.

“Anak?” tanong ni Kevin.

Ipinakita niya ang phone.

Binasa ni Kevin ang message. Tumaas ang kilay nito.

“Forward mo sa akin.”

“Sir?”

“Forward. Mo. Sa. Akin.”

Ginawa ni Sora.

Akala niya iyon na ang pinakamasamang part ng araw niya.

Pero bago sila makarating sa elevator, tumunog ang email notification niya.

Galing kay Rafael.

Naka-CC si Kevin.

Naka-CC ang marketing manager.

At naka-CC si Maredith.

Subject: Field Input Credit and Next Steps

Binasa ni Sora ang unang line.

For documentation, please credit the original Buyer FAQ draft to Ms. Sora Guillermo.

Nanlamig ang kamay niya.

Pagkatapos, may isa pang pumasok na message.

Mula kay Maredith.

Pagbalik mo sa branch, mag-usap tayo.

Previous Next