Ang Ahente at Ang Tagapagmana – Chapter 7

Pagbalik ni Sora sa branch, hindi pa man siya nakakapasok sa kiosk, alam na niyang may bagyo.

Nakatayo si Maredith sa gilid ng counter, hawak ang phone, tuwid ang likod, at nakangiting parang may nakaipit na pako sa ngipin.

“Sora,” sabi nito. “Usap tayo.”

Napatingin si Sora kay Kevin.

“Dito lang tayo,” sabi ni Kevin bago pa makalakad si Maredith. “Open area. Work-related naman, di ba?”

Saglit na tumigas ang mukha ni Maredith. “Of course, Sir Kevin.”

Ayaw ni Sora aminin, pero gumaan ang dibdib niya.

Hindi dahil takot siya kay Maredith.

Okay, medyo.

Pero mas dahil kapag silang dalawa lang ang nag-usap, baka may lumipad na brochure stand.

Huminga nang malalim si Maredith.

“I don’t appreciate being embarrassed in front of corporate.”

Napakurap si Sora. “Ma’am?”

“Because of that email, mukha akong kumuha ng credit sa work mo.”

Hindi agad sumagot si Sora.

Gusto niyang sabihin, Kasi ganoon naman po ang nangyari.

Pero nakita niya si Kevin na bahagyang umiling.

Dahan-dahan, anak.

“Ma’am,” sabi ni Sora, piniling ayusin ang tono, “sinend ko po sa inyo iyong file. Sinend ko rin po kay Sir Kevin. Hindi ko po alam na gagamitin siya sa deck under your name.”

Naningkit ang mata ni Maredith. “Are you accusing me?”

“Hindi po. Sinasabi ko lang po ang nangyari.”

“Same thing.”

“Hindi po same thing, Ma’am.”

Tumahimik ang paligid.

May dumaan na dalawang customer, napatingin sa kanila, tapos mabilis ding umiwas. Kahit mga dumadaan, naramdaman ang electricity.

Kevin cleared his throat.

“Maredith,” mahinahon niyang sabi. “Rafael already sent the documentation. Let’s align moving forward. Any output from Sora related to this project should carry her name. Any branch-level submission can carry your name as supervisor with proper credit.”

“Yes, Sir Kevin,” sagot ni Maredith.

Sumunod siya, pero halata sa mukha niya na nilunok niya lang iyon nang buo.

Pagkatapos ay lumingon siya kay Sora.

“Since corporate likes your ideas, you will lead the pilot spiel at the kiosk this weekend.”

Nanlaki ang mata ni Sora. “This weekend po?”

“Yes. Friday to Sunday. Extended mall hours. We need actual buyer reactions.”

“Ma’am, day off ko po sa Sunday.”

Ngumiti si Maredith.

Hindi iyong mabait.

“I thought you wanted your work recognized?”

Natigilan si Sora.

Kevin’s expression changed.

“Maredith,” sabi niya.

“Sir Kevin, pilot testing po ito. Kailangan po namin ng actual agent na gumawa ng spiel. Besides, may offset naman po kung approved.”

Offset.

Ang mahiwagang salitang ginagamit sa opisina kapag gusto nilang magtrabaho ka sa araw na dapat nakahiga ka.

Pinilit ni Sora ngumiti.

“Sige po, Ma’am. Basta approved ang offset.”

“Good.”

Umalis si Maredith na parang nanalo sa maliit na giyera.

Pagkaalis nito, napasandal si Sora sa counter.

“Sir, counted po ba as growth kapag hindi ko siya sinabunutan?”

“Very much,” sagot ni Kevin. “Proud ako sa character development mo.”

“Masakit po pala maging mature.”

“Masakit talaga. Kaya marami ang ayaw gawin.”

Dumating ang weekend na parang naniningil ng utang.

Friday pa lang, pagod na si Sora.

May bagong insert sa brochure. May simplified computation sheet. May printed FAQ na mas madaling basahin. At may instruction galing corporate: observe buyer response, note common objections, submit daily report.

Sa unang dalawang oras, puro “tingin lang” ang nakuha niya.

Sa ikatlong oras, may isang mag-asawang lumapit.

“Ma’am,” sabi ng babae, hawak ang computation sheet. “Ito po ba talaga ang possible monthly?”

“Possible po,” sagot ni Sora. “Pero kailangan pa rin pong i-check ang income documents at approval. Ayoko po kayong paasahin. Mas okay po na honest tayo sa umpisa kaysa masaktan sa dulo.”

Napatingin ang lalaki sa asawa niya.

“Mas gusto ko kausap ’to,” sabi nito. “Hindi masyadong sales talk.”

Napangiti si Sora.

Sa gilid, nagsusulat ang marketing staff na ipinadala ng corporate.

Hindi napansin ni Sora na may dumating.

Hanggang sa marinig niya ang boses.

“That line works.”

Natigilan siya.

Paglingon niya, nandoon si Rafael. Naka-casual dark polo, walang entourage, pero may kasamang marketing staff na may hawak na tablet.

Hindi siya mukhang boss na nagpapakita para magpasikat.

Mukha siyang taong talagang nag-oobserve.

“Sir Rafael,” bati ni Sora, biglang ayos ng tayo.

“Miss Guillermo.”

Bumaba ang tingin nito sa sapatos niya.

Flats ang suot niya ngayon.

“Improvement,” sabi niya.

“Trauma-based learning po.”

Napangiti ang marketing staff. Si Rafael naman, saglit na napatawa.

Nagpatuloy ang pilot. May nagtanong tungkol sa OFW requirements. May nagtanong kung pwede freelancer. May isang tita na tatlong beses nagtanong kung malapit ba sa simbahan. Sinagot ni Sora lahat hangga’t kaya niya, walang masyadong palamuti.

Past seven na nang humupa ang tao.

Masakit ang paa niya kahit flats. Masakit ang lalamunan niya. Masakit pati social battery niya.

“Miss Guillermo,” tawag ni Rafael.

Napalingon siya.

“We need a short debrief.”

“Ngayon po?”

“Yes. Ten minutes.”

Napatingin siya sa paligid. Wala si Kevin. Nasa kabilang kiosk ito kausap ang isang staff. Si Maredith naman ay nasa branch office, hindi lumalabas mula kanina.

“Okay po,” sabi ni Sora. “Dito po?”

Tumingin si Rafael sa maingay na walkway, sa naglalakad na shoppers, sa batang umiiyak sa tabi ng milk tea shop.

“Maybe somewhere quieter.”

Nanigas si Sora.

Bago pa siya makasagot, lumapit si Kevin na parang naamoy ang potential issue mula sa kabilang dulo ng mall.

“Sir Rafael,” bati nito. “Debrief?”

“Yes,” sagot ni Rafael. “Coffee shop nearby. Join us?”

Nakahinga si Sora.

Good. May chaperone. May witness. May HR-friendly setup.

Ngumiti si Kevin. “Of course.”

Pagdating nila sa coffee shop, si Kevin ang unang umorder.

“Americano,” sabi nito. “At para kay Sora, tubig. Mukha na siyang dehydrated na resibo.”

“Sir!”

Umupo sila sa maliit na table sa sulok. Professional ang usapan noong una. Buyer reactions. Common hesitation. Script adjustments.

Pero habang tumatagal, napapansin ni Sora na hindi lang pala nakikinig si Rafael dahil kailangan.

Nakikinig siya na parang mahalaga talaga ang sinasabi niya.

“Why real estate?” tanong nito bigla.

Natigil si Sora sa pagsulat.

“Sir?”

“Bakit ito ang trabaho mo?”

Hindi iyon kasama sa debrief.

Napatingin siya kay Kevin.

Si Kevin naman ay biglang naging abala sa paghalo ng kape kahit black coffee naman ang inorder niya.

Sora shrugged. “Kailangan kumita.”

“That’s the practical answer.”

“I’m a practical person.”

“And the real answer?”

Saglit siyang natahimik.

Sa labas ng coffee shop, may dumaan na pamilya. Magkahawak ang kamay ng nanay at tatay, may batang tumatalon sa gitna nila.

“Siguro…” sabi niya, mas mahina na. “Kasi araw-araw akong may kausap na nangangarap ng bahay. Kahit maliit. Kahit malayo. Kahit hulugan. Parang nakakahawa.”

Hindi agad nagsalita si Rafael.

Kaya binawi ni Sora ang sarili niya.

“Pero syempre, commission din po. Hindi tayo mabubuhay sa inspirational quote.”

Tumawa si Kevin.

Si Rafael, ngumiti.

Pero bago pa siya makasagot, may lumapit na babae sa table nila.

Matangkad, naka-fitted dress, flawless ang make-up, at may hawak na luxury paper bag. Iyong klase ng babae na kahit kakapasok pa lang sa coffee shop, parang may sariling spotlight.

“Rafa?”

Napatingin si Sora.

Rafa?

Hindi Sir Rafael. Hindi Mr. Valderama.

Rafa.

Ngumiti ang babae na parang sanay siyang nginitian pabalik.

“I thought that was you,” sabi nito. “You didn’t reply to my messages.”

Hindi nagbago ang mukha ni Rafael. Cool pa rin. Kalma pa rin.

“Busy day,” sagot niya.

Tumingin ang babae kay Sora, pagkatapos kay Kevin.

“Work?”

“Yes,” sabi ni Rafael.

“Can we talk later?”

Saglit na tumahimik si Rafael.

Pagkatapos, diretso siyang tumingin sa babae.

“I don’t think that’s a good idea.”

Natigilan ang babae. “Excuse me?”

“I’m no longer interested,” sabi ni Rafael, mababa pero malinaw ang boses. “I should have said it earlier. That’s on me.”

Kumunot ang noo ng babae, halatang napahiya pero pinipilit ngumiti.

“Wow. Okay.”

“I’m sorry,” sabi ni Rafael.

Hindi na nagsalita ang babae. Tumalikod ito at mabilis na umalis.

Ilang segundo ring walang nagsalita sa table.

Si Kevin ang unang gumalaw. Dahan-dahan niyang itinaas ang baso ng kape.

“Okay,” sabi niya. “So may free drama pala dito.”

Sinamaan siya ng tingin ni Sora.

“What?” bulong ni Kevin. “Nag-oobserve lang ako. For reporting purposes.”

Akala ni Sora tapos na iyon.

Pero wala pang isang minuto, may isa na namang lumapit.

Mas bata nang kaunti. Naka-sleeveless top, mamahaling bag, at may ngiting hindi umabot sa mata.

“Rafa,” sabi nito. “Seriously? Dito ka pala.”

Hindi na napigilan ni Sora ang pagtingin kay Kevin.

Tumaas ang kilay ni Kevin na parang nagsasabing: anak, may season two.

Tumingin ang babae kay Sora mula ulo hanggang paa.

“New one?” tanong nito.

Napakurap si Sora.

“Excuse me?”

“Nothing,” sabi ng babae, pero halata namang may ibig sabihin.

Doon unang nagbago ang mukha ni Rafael.

Hindi siya nagtaas ng boses. Hindi rin siya nagmukhang guilty.

Pero nawala ang ngiti niya.

“She’s working,” sabi niya. “Don’t disrespect her.”

Natigilan ang babae.

Si Sora rin.

“Relax, Rafa. I was just asking.”

“And I’m answering,” sabi ni Rafael. “We’re done. Matagal na.”

Tumigas ang mukha ng babae. “You’re really cold, you know that?”

“Only when I have to be.”

Tahimik.

Pagkatapos, ngumiti ang babae nang pilit at umalis.

Naiwan sa table ang katahimikang mas malakas pa sa ingay ng coffee shop.

Si Sora ay nakatitig lang sa notes niya.

Dalawang babae.

Sa loob ng limang minuto.

Hindi niya alam kung matatawa siya, maiinis, o magpapagawa ng organizational chart ng love life ni Rafael Valderama.

Si Kevin naman ay halos kagatin ang straw ng kape niya para hindi matawa.

“Sir,” sabi ni Sora, nakatingin pa rin sa notes niya, “part po ba ito ng debrief?”

“No,” sagot ni Rafael.

“Good. Kasi kung part siya ng debrief, ang dami ko pong follow-up question.”

Napatawa si Kevin.

Bahagyang ngumiti si Rafael.

“Ask one.”

Tumingin si Sora sa kanya. “Company policy po ba ninyo na kapag may coffee meeting, may dumadaang ex every three minutes?”

Mas lalong natawa si Kevin.

Rafael looked amused. “No.”

“Personal policy niyo lang po?”

“Miss Guillermo.”

“Opo. Sorry. Professional na ulit.”

Pero hindi siya sorry.

At halata sa mukha ni Rafael na alam niya iyon.

Dahan-dahang isinara ni Rafael ang folder sa harap niya.

“For the record,” sabi niya, “I don’t make promises I don’t mean.”

“Good to know po,” sagot ni Sora.

“At kapag hindi na ako interesado, sinasabi ko.”

“Napansin ko nga po.”

“Good.”

Tumayo siya at kinuha ang bill bago pa makagalaw si Kevin.

“And if I become interested,” dagdag niya, diretso ang tingin kay Sora, “you won’t have to guess.”

Nanigas si Sora sa kinauupuan.

Si Kevin naman ay biglang nabilaukan sa kape.

Rafael placed the payment on the tray, then looked at Sora’s untouched glass of water.

“Next time,” sabi niya, “order something better than water.”

Pagkatapos ay umalis siya na parang normal lang ang iniwan niyang gulo.

Naiwan si Sora na nakatitig sa baso niya.

Si Kevin, nakangiti na parang may napanood na teleserye.

“Anak,” bulong nito.

“Ano po?”

“Hindi ko alam kung debrief pa rin ’yon.”

Hindi gumalaw si Sora.

Dahil hindi rin niya alam.

Pero sa unang pagkakataon, mas kinabahan siya sa posibilidad na manligaw si Rafael kaysa sa galit ni Maredith.

Previous Next