Ang Ahente at Ang Tagapagmana – Chapter 10

Hindi nakatulog nang maayos si Sora.

Hindi dahil mainit ang kwarto niya.

Hindi dahil maingay ang kapitbahay nilang may videoke na kahit Linggo ng umaga ay may emotional damage na agad.

At hindi rin dahil sa kape na hindi niya ininom.

Hindi siya nakatulog dahil sa email ng HR.

Paulit-ulit iyong nagbubukas sa utak niya kahit nakapikit na siya.

Workplace conduct concern.

Preferential treatment.

Inappropriate personal attention.

Senior executive.

Parang ang bigat-bigat ng mga salitang iyon para sa isang baso ng kape.

Isang baso lang.

Isang label lang.

Isang maliit na sulat lang, na kung tutuusin, hindi naman malaswa. Hindi naman bastos. Hindi naman dapat ikasira ng buhay.

Pero sa trabaho, natutunan ni Sora na minsan hindi ang ginawa ang pinakamalaking problema.

Kundi kung paano ito ikwento ng ibang tao.

At sa branch nila, maraming magaling magkuwento.

Lalo na kapag hindi sila ang bida.

Nakatihaya si Sora sa kama,

 nakatitig sa kisame.

Hawak niya ang phone niya.

Ilang beses niyang binasa ang message ni Rafael kagabi.

Did HR contacted you?

Hindi niya agad sinagot iyon.

Hindi dahil ayaw niya.

Kundi dahil hindi niya alam kung ano ang tamang sagot.

Kung sasabihin niyang oo, parang inaamin niyang may issue.

Kung sasabihin niyang hindi, sinungaling siya.

Kung magbibiro siya, baka bukas may panibagong attachment sa HR.

Kaya ang ginawa niya, minessage niya muna si Kevin.

At ang reply ni Kevin, alas-onse y medya ng gabi:

Anak, huwag kang magre-reply sa kahit anong emotional. Send factual lang.

 “Yes, I received the email. I will attend the clarification meeting.” Period. Walang essay. Walang emoji. Walang ‘hehe.’

Kaya iyon ang sinend niya kay Rafael.

Yes, I received the email. I will attend the clarification meeting.

Tatlong minuto bago ito nag-reply.

I’m sorry this reached you this way. I’ll clarify my side as well. You don’t have to face it alone.

Hindi sweet.

Hindi cheesy.

Hindi pang-teleserye.

Pero tumama pa rin.

Kasi minsan, mas delikado ang lalaking hindi nagpo-promise ng moon and stars.

Mas delikado iyong marunong magsabi ng simpleng bagay na kailangan mong marinig.

You don’t have to face it alone.

Napabaligtad si Sora sa kama at itinakip ang unan sa mukha.

“Hindi ako kikiligin,” bulong niya sa unan.

“Hindi ako tanga.

Hindi ako mahuhulog sa lalaking may HR attachment.”

Mula sa kabilang kwarto, sumigaw si Lolo Isme.

“Sino ang may engagement?!”

Napaupo si Sora. “Wala po, Lo!”

“Sabi mo may engagement!”

“Attachment po!”

“Ay, akala ko may kasal na!”

Napabagsak ulit si Sora sa kama.

Ito ang problema kapag nakatira ka sa bahay na manipis ang dingding

at makapal ang imahinasyon ng matatanda.

Kinabukasan,

Linggo, day off niya dapat.

Dapat.

Pero ang day off ni Sora ay hindi kailanman tunay na day off.

May labada na kakatapos niya lang isampay.

May pending captions para sa maliit na bakery page ng kakilala niya.

May Ilang blouse na kailangan niyang picturan para sa live selling.

May sarili siyang buhay na kailangang i-maintain

kahit gusto na ng katawan niyang mag-file ng resignation.

Alas-otso pa lang ng umaga, nasa kusina na siya,

tapos na sa lahat ng gawain, naka-oversized shirt, shorts, at hair clamp

na parang sumuko na rin sa buhay.

Naghahalo siya ng kape nang pumasok si Nanay Meding.

“Gising ka na pala.”

“Hindi po ako natulog nang maayos.”

“Dahil sa HR?”

Natigilan si Sora. “Ma, ang aga.”

“Ang problema hindi namimili ng oras.”

“Parang quote sa tarpaulin.”

Umupo si Nanay Meding sa mesa at tiningnan siya nang diretso.

“Kinausap mo na si Kevin?”

“Opo. Pupunta raw siya dito after church.”

“Good.”

Napakurap si Sora. “Good?”

“Oo. Mas gusto kong may matino kang kausap bukod sa sarili mo.”

“Ma, matino naman ako.”

“Sora, kagabi narinig kitang kinakausap ang unan mo.”

Hindi nakasagot si Sora.

Lumabas si Lola Ason mula sa likod, may hawak na plato ng pandesal.

“Hayaan mo na siya, Meding. Kapag may problema sa puso at trabaho,

normal na kumausap ng unan.”

“Lola, wala pong problema sa puso.”

“Hindi pa. Pero kumakatok na.”

“Lola.”

“Tatlong katok ba?” singit ni Lolo Isme mula sa sala.

Sabay na napatingin sa kanya sina Sora, Nanay Meding, at Lola Ason.

“Lo, horror story po iyon. Ibang nobela po tayo.”

“Ay. Akala ko may multo naman.”kakamot kamot sa ulo ang matanda.

Umupo si Sora sa mesa, hawak ang kape.

 “Gusto ko lang po ng tahimik na Sunday.”

Saktong tumunog ang doorbell.

Lahat sila napatingin sa pinto.

Napapikit si Sora.

 “Universe, ang bilis mong mang-asar.”

Si Nanay Meding ang nagbukas.

Pagbalik nito sa kusina, kasama na si Kevin.

Naka-simple shirt ito, Khaki Shorts, Sperry Slides, sunglasses sa ulo,

at may bitbit na malaking paper bag.

“Good morning, family of my favorite problematic agent,” bati ni Kevin.

“Sir Kevin!” sabi ni Sora. “May intro agad?”

“Para alam nila ang branding mo.”

Ngumiti si Nanay Meding. “Kevin, kumain ka na?”

“Hindi pa po, Tita. Pero may dala akong pandesal at chicken spread

 para hindi ako mukhang freeloader.”

Inabot ni Lola Ason ang paper bag.

“Ay, marunong. Kaya gusto ko ’to.”aniya

“Lola,” sabi ni Sora, “huwag niyo pong masyadong i-encourage.”

“Bakit? Mas may ambag pa siya kaysa sa ibang kamag-anak natin.”

Mula sa sala, sumigaw si Lolo Isme,

“May padalang bag?”

“Ambag po, Lo!” sigaw ni Sora.

“Ay, akala ko may bag.”

Kevin laughed. “Namiss ko ’to.”

“Sir, hindi niyo po kailangang ma-miss.

Nandito po every day ang confusion.”

Umupo si Kevin sa tabi ni Sora. Agad nitong napansin ang mukha niya.

“Anak, hindi ka natulog.”

“Natulog po.”

“Hindi. Pumikit ka lang habang nagpa-panic.”

“Same family po iyon.”

“Hindi.”

Nilapag ni Kevin ang phone niya sa mesa.

“Okay. Before breakfast turns into Senate hearing, usap tayo.

 Anong eksaktong nasa HR email?”

Kinuha ni Sora ang laptop mula sa kwarto at ipinakita ang email.

Tahimik na binasa ni Kevin.

 Habang nagbabasa ito, nakatayo si Nanay Meding sa likod niya,

kunwari nag-aayos ng plato pero halatang nagbabasa rin.

“Ma,” sabi ni Sora.

“Ano? Malabo mata ko.”

“Nasa likod ka na ni Sir Kevin.”

“Concerned mother ako.”

Lola Ason sumilip din. “Ano sabi?”

“Lola.”

“Hindi ako marunong sa English na corporate, pero marunong ako sa chismis.”

Matapos basahin ni Kevin ang email.

Nanatili siyag kalmado, pero seryoso na ang mata niya.

“Okay,” sabi niya.

“Hindi ito disciplinary notice. Clarification meeting pa lang.”

“Pero scary pa rin.”

“Scary, yes. End of the world, no.”

“Sir, may attached picture.”

“Yes. Weak evidence kung ito lang. But enough para magtanong ang HR.”

Nanay Meding crossed her arms.

“Bakit si Sora ang pinapatawag?

Siya ba nagbigay ng kape sa sarili niya?”

“Tita, kasama siya because siya ang employee involved.

 They need to ask if uncomfortable siya, pressured siya, or may favoritism ba.”

“Wala naman.”

“Alam natin. Pero HR needs it on record.”

Sora hugged her mug. “So anong sasabihin ko?”

“Facts,” sagot ni Kevin. “Una, team coffee ang dala.

Pangalawa, may personal label, yes.

Pangatlo, hindi ikaw ang nag-request.

Pang-apat, wala kang hininging favor in exchange.

Panglima, all work opportunities were tied to actual pilot performance,

documented, and copied through proper channels.”

“Pang-anim,” dagdag ni Nanay Meding,

“sabihin mong hindi ka babae na pwedeng bilhin ng kape.”

“Tita,” sabi ni Kevin, “emotionally correct, legally risky.”

“Bakit? Totoo naman.”

“Sa HR, less sermon, more documentation.”

Lola Ason nodded. “Tama. Sa HR, dapat mala-anghel. Paglabas, saka manumpa.”

“Lola!”

“Ano? Strategy iyon.”

For the first time that morning, natawa si Sora.

Kevin looked at her and softened.

“Ayan. Buhay pa.”

“Barely.”

“Enough.”

Nag-agahan sila nang magkakasama.

Si Kevin ang naglagay ng chicken spread sa pandesal ni Lola Ason.

Si Nanay Meding, tahimik pero halatang naa-appreciate iyon. Si Lolo Isme, tatlong beses tinanong kung si Kevin ba raw ang abogado ni Sora.

“Hindi po, Lo,” sagot ni Kevin sa ikatlong beses. “Operations Manager po ako.”

“Ah. Operator.”

“Pwede na po.”

Habang kumakain, unti-unting gumaan ang usapan.

Hanggang sa biglang nagtanong si Lola Ason.

“Kevin, bakit anak ang tawag mo kay Sora?”

Natigilan si Sora.

Si Kevin naman ay napangiti agad.

“Ay, classic origin story.”

“Sir,” babala ni Sora.

“Hindi. Important cultural history ito.”

Nanay Meding leaned forward.

“Oo nga. Matagal ko nang gustong itanong ’yan.

Apat na taon lang agwat niyo, pero kung makatawag ka ng anak,

akala mo ikaw ang nagpaaral sa kanya.”

“Emotionally, parang oo,” sagot ni Kevin.

“Sir!”

Tumawa si Kevin, pero may lambot sa mukha niya habang nakatingin kay Sora.

“First month niya sa branch,” simula niya,

“may client siyang kausap.

Ang bait-bait niya noon.”

“Hindi ako naniniwala,” sabi ni Lola Ason.

“Lola naman.”

“Sorry. Continue.”

“Sobrang eager niya.

Lahat ng tanong ng client, sinasagot.

Lahat ng concerns, nililista.

 Kaso may isang part sa computation na hindi pa niya gamay.

 Reservation terms. Nalito siya.

 Imbes na magpanggap, sinabi niya sa client,

 ‘Sir, ayoko po kayong lokohin. Hindi ko pa po kabisado ’yan.

Tatawagin ko po manager ko.’”

Nanay Meding nodded slowly. “Tama naman.”

“Tama. Pero after umalis ng client, umiiyak siya sa likod ng kiosk.”

“Hindi ako umiiyak,” mabilis na sabi ni Sora.

Kevin looked at her. “Anak, hawak mo tissue, brochure, at hotdog on stick. Umiiyak ka.”

“Naiirita lang mata ko.”

“Sa hotdog?”

“Sa buhay.”

Tumawa si Nanay Meding.

Kevin continued. “Sabi niya, ‘Sir, tanggal na po ba ako?

Kailangan ko po ito.

May bayarin kami.

Hindi ako pwede pumalpak.’

Tapos ang dami niyang sinasabi.

Parang one-woman press conference.”

Napatingin si Sora sa kape niya.

Naalala niya iyon.

First month niya nga sa Valderama Land.

Bagong plantsa ang blouse niya, pero luma ang kaba niya.

Takot siyang magkamali.

Takot siyang mapahiya.

 Takot siyang mawalan ng trabaho

 bago pa niya mabawi ang ginastos niya sa pamasahe at requirements.

Noon, hindi pa niya alam kung saan siya lulugar.

Hindi siya graduate ng fancy school.

 Hindi siya kasing polished ng ibang agent.

Hindi siya fluent sa corporate English.

Ang alam lang niya, kailangan niyang kumita

at hindi siya pwedeng magmukhang mahina.

At nang nagkamali siya, akala niya tapos na agad.

Doon unang lumapit si Kevin.

Hindi siya pinagalitan.

Hindi siya pinahiya.

Inabutan siya ng tubig.

At sinabi nito, “Anak, huminga ka muna.

Hindi ka tinanggal. Nalito ka lang.”

Kevin smiled at the memory.

“Doon nagsimula. Tinawag ko siyang anak once.

Tapos kinabukasan, nagkamali na naman siya ng folder label.

Sabi ko ulit, ‘Anak, bakit ganito?’

 Tapos natuloy-tuloy na.”

“Abuse po iyon,” sabi ni Sora.

“Ginawa niyo akong emotional dependent.”

“Hindi. Tinuruan kitang huwag sumabog sa harap ng client.”

“Hindi pa rin po perfected.”

“Working progress.”

Lola Ason smiled. “Kaya pala.”

“Kaya pala ano?” tanong ni Sora.

“Kaya pala kahit bakla, mukha siyang tatay mo sa opisina.”

“Lola!”

Kevin placed a hand on his chest. “I accept this promotion.”

SI Nanay Meding, na kanina pa tahimik,bigkang bumaling kay Kevin.

“Salamat.”

Nawala ang biro sa mukha ni Kevin.

“For what po?”

“Sa pagbabantay sa kanya doon.”

Saglit na tumahimik ang mesa.

Hindi sanay si Sora sa ganitong moments.

Mas madali sa kanya ang magbiro.

Mas madali ang mang-asar.

Mas madali ang magpatawa kaysa umupo sa gitna ng mga taong

alam mong mahal ka at worried sa’yo.

Kevin cleared his throat.

“Tita, hindi naman po siya mahirap bantayan.”

Napatingin si Sora sa kanya.

Kevin smiled. “Maingay lang.”

“Sir.”

“At palaban.”

“Sir.”

“At minsan parang kailangan lagyan ng parental controls ang bibig.”

“Sir Kevin!”

Tumawa silang lahat.

Pero kahit tumatawa, may bigat pa rin sa dibdib ni Sora.

Nakita iyon ni Kevin.

Pagkatapos kumain, niyaya niya si Sora sa labas.

Naupo sila sa maliit na bangko sa tapat ng bahay,

sa ilalim ng halaman ni Lola Ason na hindi alam ni Sora kung ornamental ba o may sumpa.

Tahimik muna sila.

Sa kalsada, may batang nagbibisikleta.

May tindero ng taho sa malayo.

May kapitbahay na nagwawalis habang halatang nakikinig.

Normal na normal ang araw.

Kaya mas nakakainis na hindi normal ang pakiramdam niya.

“Sir,” sabi ni Sora, “honest question.”

“Go.”

“Masama ba na kinilig ako?”

Hindi agad sumagot si Kevin.

Kaya lalo siyang kinabahan.

“Masama ba?” ulit niya.

“Hindi,” sabi ni Kevin.

 “Hindi masama ang kiligin. Tao ka.

May mata ka.

May puso ka.

At unfortunately, may taste ka rin.”

Napangiti siya nang kaunti.

“Pero?” tanong niya.

“Pero hindi pwedeng kilig lang ang basis mo.”

Tumango si Sora.

“Rafael is not just a guy,” sabi ni Kevin.

 “He’s Rafael Valderama.

Kahit mabait siya, kahit sincere siya, kahit totoo ang intention niya,

 dala niya ang apelyido niya. Dala niya ang power niya.

Dala niya ang mga taong nakapaligid sa kanya.”

“Like Maredith.”

“Maredith is just the branch version.

 Mas marami pang bigger version niyan sa taas.”

Napayuko si Sora.

“Iyon ang nakakatakot,” amin niya.

“Hindi naman siya mismo ang kinakatakutan ko.”

“Alam ko.”

“Ang kinakatakutan ko, lahat ng kasama niya.

 Iyong mundo niya.

 Iyong mga rules na hindi nakasulat.

 Iyong mga taong kayang saktan ka nang hindi nagtataas ng boses.”

Kevin nodded slowly.

“Tama ’yan. Matakot ka nang konti.

 Hindi para umatras agad.

Kundi para hindi ka pumasok nang nakapikit.”

Sumandal si Sora sa pader.

“Sir, paano kung sincere siya?”

“Then he has to prove it properly.”

“Paano?”

“Not by coffee.

Not by cute labels.

Not by making you feel special in front of people who already want to tear you down.

“Kung seryoso siya, he needs to protect your work, your name, and your peace.

Hindi iyong ikaw ang naiipit every time nagpaparamdam siya.”

Tinamaan si Sora doon.

Hindi dahil mali si Kevin.

Kundi dahil tama.

Gusto niya ang feeling na napapansin siya ni Rafael.

Gusto niya ang simpleng messages.

Gusto niya na pinapakinggan siya.

Gusto niya na sa gitna ng mga taong minamaliit siya,

may isang taong mataas ang tingin sa kanya.

Pero ayaw niya namang maging dahilan iyon

para pagdudahan ang bawat bagay na pinaghirapan niya.

“Ano sasabihin ko sa HR?” tanong niya.

“Truth.

Na hindi ka uncomfortable kay Rafael personally,

 pero concerned ka sa workplace perception.

Na you want clear boundaries.

Na all professional opportunities should be documented.

Na ayaw mong maapektuhan ang standing mo sa branch.”

“Ang mature naman.”

“Copy mo na lang ako mentally.”

“Pwede po ba ikaw na lang sumagot?”

“Hindi.

Ikaw ang Sora Guillermo.

Panindigan mo.”

Napanguso siya.

Kevin looked at her and smiled.

“Kaya mo ’yan.”

Hindi niya alam kung bakit, pero doon siya mas naiyak kaysa kagabi.

Hindi malakas.

Hindi hagulgol.

Iyong tahimik lang na pagtulo ng luha na nakakainis kasi

 wala kang dramatic background music, tapos may kapitbahay pang nagdidilig ng halaman sa harap mo.

“Anak,” mahina niyang sabi.

Napatawa si Sora habang pinupunasan ang mata.

“Ayan na naman.”

“Ano?”

“Anak.”

“Eh anak talaga kita sa stress.”

“Tumatanda ako sa inyo.”

“Ako rin sa’yo.”

Tahimik silang natawa.

Maya-maya, lumabas si Nanay Meding na may dalang basahan.

“Sora, bakit ka umiiyak?”

“Wala po.”

“Kevin, pinaiyak mo?”

“Tita, healing conversation po ito.”

“Ha?”

“Healing.”

“Ay, akala ko billing.

Wala kaming pambayad.”

Mula sa loob, sumigaw si Lolo Isme, “Sino ang may bayad?!”

Natawa si Sora kahit may luha pa sa pisngi.

At doon niya naisip na kahit ang gulo ng buhay niya, kahit may HR sa Monday, kahit may supervisor na galit, kahit may Rafael Valderama na nagpaparamdam sa paraang hindi niya alam kung iiwasan o haharapin…

may bahay siyang babalikan.

May nanay na magse-sermon pero ipagtatabi siya ng ulam.

May lolang may payong galing sa pamahiin at maling advice pero tamang pagmamahal.

May lolong mali ang dinig pero laging present.

At may Kevin.

Hindi kadugo.

Hindi tunay na magulang.

Pero minsan, may mga taong hindi kailangang maging pamilya para tumayo sa tabi mo na parang pamilya.

Hapon na nang umalis si Kevin.

Bago ito sumakay sa ride niya, binalingan siya nito.

“Bukas, no jokes sa HR.”

“Opo.”

“No sarcasm.”

“Opo.”

“No ‘with feelings.’”

“Sir, personality ko na po iyon.”

“Temporarily uninstall mo.”

“Opo.”

“And Sora?”

Napatingin siya.

“Whatever happens, do not apologize for receiving coffee.

You did not do anything wrong.”

Napalunok si Sora.

Tumango siya.

“Opo.”

Pagkaalis ni Kevin, bumalik siya sa loob ng bahay.

Tinulungan niya si Nanay Meding magligpit.

Tinulungan niya si Lola Ason magtupi ng mga damit.

Sinagot niya ang tatlong tanong ni Lolo Isme tungkol sa kung abogado ba si Kevin.

Gabi na nang bumalik siya sa kwarto.

Inayos niya ang damit na susuotin bukas.

Simple blouse.

Slacks.

Flats.

Walang masyadong accessories.

Professional.

Hindi mukhang guilty.

Hindi rin mukhang nakikipag-away.

Pagkatapos, binuksan niya ang laptop at gumawa ng maliit na notes para sa HR.

Facts only.

Walang drama.

Walang joke.

Walang “Ma’am, kape lang po iyon, hindi po engagement ring.”

Kahit gusto niya.

Bago siya matulog, tumunog ang phone niya.

Rafael.

Hindi call.

Message lang.

For tomorrow, I’ll make it clear that the coffee was my decision, not yours.

Your work should not be questioned because of me.

Matagal na tinitigan ni Sora ang message.

Pagkatapos, nag-reply siya.

Thank you.

Pero please, Sir Rafael, next time huwag niyo na akong gawing headline sa branch.

Halos isang minuto bago siya sinagot.

Fair.

I’ll be more careful.

Akala niya tapos na.

Pero may kasunod.

And for the record, I still want you to choose next time.

Just not at work.

Nanigas ang daliri ni Sora sa screen.

Hindi iyon bastos.

Hindi rin iyon sobrang direkta.

Pero sapat para maramdaman niyang parang may kung anong dahan-dahang kumalabit sa dibdib niya.

Huminga siya nang malalim.

“Hindi ako kikiligin,” bulong niya.

Mula sa sala, sumigaw si Lolo Isme.

“Sino ang kikiligin?!”

Napapikit si Sora.

“Wala po, Lo!”

Pero habang pinapatay niya ang ilaw, hindi niya maiwasang tumingin ulit sa phone.

At hindi niya rin maiwasang mapangiti.

Kinabukasan, alas-nuwebe y medya pa lang, nasa corporate office na siya.

Kasama niya si Kevin.

Tahimik silang nakaupo sa waiting area ng HR floor.

Malamig ang aircon.

Malinis ang glass walls.

Tahimik ang hallway.

Sobrang tahimik, naririnig ni Sora ang sariling kaba.

“Remember,” bulong ni Kevin.

“Facts.”

“Opo.”

“No jokes.”

“Opo.”

“No sarcasm.”

“Opo.”

Bumukas ang pinto ng HR meeting room.

Lumabas ang isang HR officer, professional ang ngiti.

“Ms. Guillermo?”

Tumayo si Sora.

Tumayo rin si Kevin.

Pero bago sila makalapit, bumukas ang elevator sa dulo ng hallway.

Napalingon si Sora.

Lumabas si Rafael.

Naka-dark suit.

Seryoso ang mukha.

At hindi siya nag-iisa.

Kasunod niya si Don Augusto Valderama.

Biglang nanlamig ang kamay ni Sora.

Hindi niya alam kung bakit nandoon ang may-ari ng kumpanya.

Hindi niya alam kung mas makakabuti iyon o mas magpapalala.

Pero nang magtagpo ang tingin nila ni Don Augusto, isang bagay ang malinaw.

Hindi na ito simpleng clarification meeting.

At ang kape na hindi niya naman ininom…

Previous Next