Kinabukasan, pagpasok pa lang ni Sora sa mall branch, alam niyang may nangyari.
Hindi pa siya nakakapasok sa kiosk, may dalawang agent na agad na napatingin sa kanya.
Iyong tingin na hindi naman masama,
pero halatang may alam na hindi niya alam.
Pagdating niya sa counter, nandoon si Jessa, isa sa part-time agent na madalas nilang kasama kapag weekend booth.
Ngumiti ito nang malapad.
“Good morning, Miss Buyer FAQ.”
Napahinto si Sora.
“Ano ’yan?”
“New nickname mo.”
“Bakit?”
“Wala,” sabi ni Jessa, pero hindi maitago ang ngisi.
“Sikat ka na kasi sa corporate.”
“Jessa.”
“Ano?”
“Kung may alam ka, ilabas mo na bago ko ipasok ka sa brochure stand.”
Tumawa si Jessa.
“Ang chismis lang naman, ikaw daw ang bagong favorite ng taas.”
Napapikit si Sora.
Ayan na.
Hindi pa nga siya nakakainom ng kape, may career issue na agad.
“Walang favorite-favorite,” sabi niya habang inaayos ang bag sa ilalim ng counter.
“Ginawa ko lang trabaho ko.”
“Ganyan talaga sinasabi ng favorite.”
“Jessa.”
“Okay, okay.”
Itinaas ni Jessa ang dalawang kamay.
“Pero ingat ka. Si Ma’am Maredith kanina pa tahimik.”
Mas kinabahan si Sora doon.
Mas gusto niya nang nagsasalita si Maredith.
Mas gusto niya nang naninita.
Kapag tahimik iyon, ibig sabihin may binabalak.
Maya-maya, dumating si Maredith.
Perfect pa rin ang make-up.
Plantsado ang blouse.
Hawak ang clipboard.
Pero ang ngiti niya, manipis.
“Good morning.”
“Good morning po, Ma’am,” sabay na bati ng mga staff.
Dumiretso ang tingin nito kay Sora.
“Sora, sa afternoon shift ka sa kiosk.”
“Sa morning, ayusin mo muna ang inventory ng brochures sa storage.”
Natigilan si Sora.
“Storage po?”
“Yes.”
“Ma’am, may scheduled follow-up calls po ako this morning.”
“Jessa can handle them.”
Napatingin si Jessa kay Sora, biglang nawala ang ngiti.
“Ma’am,” maingat na sabi ni Sora, “clients ko po iyon.”
“Mas okay po kung ako ang tatawag kasi ako po ang nakausap nila kahapon.”
Maredith smiled.
“Kaya mo namang gawin after inventory, di ba?”
“Since magaling ka naman.”
May ilang segundo ng katahimikan.
Hindi sumagot si Sora.
Tumango lang siya.
“Opo, Ma’am.”
Pumasok siya sa maliit na storage room sa likod ng branch office.
Mainit doon, masikip, at puno ng kahon ng lumang flyers, tarp clips, bond paper, at mga brochure ng project na tapos na ang promo noong nakaraang taon pa.
“Very premium,” bulong ni Sora habang pinupunasan ang alikabok sa isang box.
“From corporate review to storage room real quick.”
Tumunog ang phone niya.
Message mula kay Kevin.
May internal meeting ako buong morning.
Okay ka lang diyan?
Tiningnan ni Sora ang paligid.
May kahon sa kanan.
May kahon sa kaliwa.
May isang electric fan na parang nagdadalawang-isip kung lalaban pa ba sa buhay.
Nag-reply siya.
Okay lang po.
Na-promote po ako bilang Queen of Brochures.
Mabilis ang reply ni Kevin.
Anak, behave.
Babalik ako after lunch.
Ngumiti si Sora kahit pagod na siya.
Pagkalipas ng halos isang oras, may kumatok sa bukas na pinto ng storage.
Si Carlo, isa pang sales agent, nakasandal sa doorframe.
Ka-team ni Maredith sa pagiging mahilig sa side comment.
“Uy, Sora.”
“Dito ka pala.”
“Hindi.”
“Hologram lang ako.”
Ngumisi si Carlo.
“Sikat ka na raw.”
“Bakit nasa storage ka?”
“Character development.”
“Or reality check.”
Tumigil ang kamay ni Sora sa pag-aayos ng brochures.
Tumingin siya kay Carlo.
“Ano ibig mong sabihin?”
Nagkibit-balikat ito.
“Wala.”
“Sabi lang nila, porke nakausap ng corporate, feeling special na.”
“Sinong ‘nila’?”
“Wala.”
“People.”
“Ah.”
“Si People pala.”
Hindi sumagot si Carlo.
Ngumisi lang ito at umalis.
Huminga nang malalim si Sora.
Kung dati, biro lang sa kanya ang office politics, ngayon ramdam na niya kung paano iyon kumagat.
Hindi ka sisigawan.
Hindi ka diretsong aawayin.
Pero unti-unti kang itutulak sa gilid hanggang magmukha kang ikaw ang problema kapag sumagot ka.
Pagbalik niya sa kiosk bago mag-lunch, may customer na naghihintay.
Isang babae, nasa early thirties, naka-office uniform, may hawak na brochure.
“Hi, ikaw ba si Sora?”
“Opo.”
“Ako po.”
“May nag-refer sa akin.”
“Ikaw daw iyong marunong mag-explain nang hindi nakakahilo.”
Napangiti si Sora.
“Depende po.”
“Minsan po ako mismo nahihilo rin sa computation.”
Tumawa ang babae.
Umupo sila sa maliit na discussion table.
Sinimulan ni Sora sa basic questions: own use ba o investment, preferred location, budget range, timeline, income source.
Simple lang.
Walang arte.
Pero habang nasa gitna sila ng usapan, lumapit si Maredith.
“Sora,” sabi nito, “after that, paki-check ang display stand.”
“Mali ang arrangement.”
Hindi nag-angat ng kilay si Sora.
Hindi siya umirap.
Professional smile.
“Opo, Ma’am.”
“After ko po kay client.”
Tumingin ang client kay Maredith, pagkatapos kay Sora.
“Okay lang ba?”
“Baka busy ka?”
“Okay lang po,” sagot ni Sora.
“Kayo po muna.”
“Hindi naman po aalis ang display stand.”
“Sana.”
Natawa ang client.
Hindi natawa si Maredith.
Pagkaalis ng client, may nakuha si Sora na lead form.
Solid prospect.
Hindi pa sale, pero promising.
Hawak niya ang form nang makita niya si Rafael na naglalakad papalapit sa kiosk.
Hindi siya naka-suit ngayon.
Dark polo, sleeves slightly folded, relo na hindi sumisigaw pero alam mong mahal.
May kasamang isang corporate staff, pero huminto ito sa labas ng kiosk habang si Rafael ang lumapit.
Biglang nag-ayos ng tayo sina Jessa at Carlo.
Si Maredith, na kanina pa nakasimangot, ay parang binuksan ang stage lights sa mukha.
“Sir Rafael,” bati nito.
“Good afternoon po.”
“Good afternoon,” sagot ni Rafael.
Tumingin siya kay Sora.
“Miss Guillermo.”
“Sir.”
Saglit na bumaba ang tingin niya sa hawak nitong lead form.
“Busy?”
“Opo,” sagot ni Sora.
“May client follow-up po.”
“Good.”
Iyon lang.
Pero hindi siya umalis.
Tumingin siya sa display stand, sa brochures, sa maliit na table, pagkatapos kay Sora ulit.
“We’re checking pilot implementation,” sabi niya.
“How’s the revised FAQ performing?”
Bago pa makasagot si Sora, sumingit si Maredith.
“So far okay naman po, sir.”
“The team is adjusting.”
“We’re monitoring the client responses.”
Tumango si Rafael.
Then he looked at Sora.
“I’m asking the agent using it.”
Natahimik ang kiosk.
Kahit si Jessa, biglang kunyaring nag-aayos ng ballpen.
Huminga si Sora.
“Mas madali po siyang gamitin kaysa old brochure spiel,” sagot niya.
“Mas mabilis po mag-open up ang client kapag computation at requirements agad ang naipapakita.”
“Pero kailangan pa rin po ng one-page sample na mas readable.”
“Iyong hindi masyadong dikit-dikit ang numbers.”
“Send me notes,” sabi ni Rafael.
“Opo, sir.”
“Today.”
“Opo.”
Tumango siya.
Akala ni Sora tapos na.
Pero naglabas si Rafael ng maliit na paper bag mula sa kamay ng corporate staff.
Inilapag niya iyon sa counter.
“For the team,” sabi niya.
Nakita ni Sora ang logo ng coffee shop.
May kape.
May pastries.
“For the team,” ulit niya sa utak niya.
Good.
Safe.
HR-friendly.
Public.
Hindi personal.
Pero nang kukunin na niya sana ang isang cup para iabot kay Jessa, hinawakan ni Rafael ang isang maliit na iced drink sa gilid.
“This one is yours.”
Natigilan si Sora.
Nakalagay sa sticker:
For Sora — not water.
May dalawang segundo ng katahimikan.
Pagkatapos, narinig niya si Jessa na pigil na pigil ang tawa.
Si Carlo, napatingin kay Maredith.
Si Maredith naman, nakatitig sa baso na parang personal insult iyon sa buong pagkatao niya.
Sora felt her face heat up.
“Sir,” sabi niya, mahina, “bakit may label?”
“So no one else takes it.”
“Pero bakit po may ‘not water’?”
Bahagyang ngumiti si Rafael.
“Because last time, you ordered water.”
Sa likod niya, halos mabilaukan si Jessa sa sariling laway.
Sora wanted the floor to open.
Hindi dahil nahihiya siya sa drink.
Kundi dahil sa buong branch, sa harap ng supervisor niyang galit sa kanya, at sa gitna ng office chismis, si Rafael Valderama ay nag-iwan ng kape na may inside joke.
“For the record,” dagdag ni Rafael, sapat lang ang lakas para marinig niya, “team coffee ito.”
“Opo,” mabilis na sagot ni Sora.
“Very team.”
“Very professional.”
“Very beverage-based.”
Napatawa ang corporate staff sa labas.
Rafael’s smile deepened for half a second.
Pagkatapos ay bumalik na siya sa pagiging executive.
“Send the notes before end of day.”
“Yes, sir.”
Umalis siya na parang wala siyang iniwang gulo.
Pero pagtalikod niya, sabay-sabay na bumaling ang lahat kay Sora.
Si Jessa, nakangisi.
Si Carlo, halatang may bagong chismis na ipapasa.
Si Maredith, tahimik.
Mas tahimik kaysa kanina.
Kinuha ni Sora ang iced drink.
Tiningnan niya ang label.
For Sora — not water.
Sa ilalim, may maliit na sulat na halos hindi niya napansin noong una.
Next time, you choose.
Nanigas siya.
Hindi iyon corporate note.
Hindi iyon team coffee.
At sa gilid ng kiosk, nakita niyang hawak na ni Maredith ang phone niya.