Ang Ahente at ang Tagapagmana – Chapter 2

Kung may butas lang sa sahig ng mall, kusang tatalon doon si Sora Guillermo.

Hindi na niya kailangan ng elevator. Hindi na niya kailangan ng escalator. Diretso na siya sa ilalim ng lupa kasama ng kahihiyan niya, ng beige blazer niya, at ng bibig niyang laging nauuna bago ang utak.

Rafael Valderama.

Anak ng may-ari.

Tagapagmana ng kompanyang nagpapasahod sa kanya.

At tinanong niya kung may pambili ba ito.

Napakurap si Sora. Isa. Dalawang beses. Pangatlo, baka sakaling paggising niya, ordinaryong client lang ang lalaking nasa harap niya at hindi ang posibleng dahilan kung bakit bukas ay unemployed na siya.

“Sir Rafael,” biglang singit ni Maredith, halos madulas sa sobrang bilis ng paglapit. “Good morning po. Pasensya na po sa staff namin. Minsan po kasi, masyadong… energetic.”

Energetic?

Gusto sanang umirap ni Sora, pero pinigilan niya. Hindi ito ang tamang oras para makipag-away. Ito ang oras para maging professional. Ito ang oras para iligtas ang trabaho niya. Ito ang oras para lunukin ang pride kahit parang sumasabit sa lalamunan niya.

Ngumiti si Rafael. Hindi malapad. Hindi rin peke. Iyong klase ng ngiti na parang may alam siyang nakakatawa pero hindi niya muna sasabihin.

“Energetic,” ulit nito, tila nilalasap ang salita. “Interesting description.”

Napaubo si Kevin sa likod.

Si Kevin, na kanina pa parang kandilang nauubusan ng apoy, ay biglang inayos ang scarf sa leeg niya kahit ayos naman iyon. Pagkatapos ay tiningnan niya si Sora mula ulo hanggang paa, iyong tinging nagsasabing: anak, mahal kita, pero kung may HR case ka mamaya, ikaw na ang bahala sa sarili mo.

“Sir Rafael,” sabi ni Kevin, pilit kalmado, “we weren’t informed na bibisita po kayo sa branch today.”

“I know,” sagot ni Rafael. “Mas gusto ko kasing makita kung paano gumagana ang branch kapag walang naghahanda para sa akin.”

Napa nganga si Maredith.

Si Sora naman ay lalong nanlamig.

Ayos. Surprise inspection pala. At ang unang ambag niya sa inspection ay insultuhin ang inspector.

“Sir,” maingat na sabi ni Sora, “about po sa sinabi ko kanina…”

“Yes?” tanong ni Rafael.

“Hindi ko po intensyon na maging disrespectful.”

“Hindi?”

“Hindi po.”

“Pero tinanong mo kung may pambili ako.”

Napapikit si Sora nang mariin.

Sa likod niya, narinig niya ang halos walang tunog na paghingal ni Kevin. Si Maredith naman ay mukhang handa nang gumawa ng resignation letter para kay Sora gamit ang clipboard niya.

Huminga nang malalim si Sora. Kung lulubog na rin lang siya, lulubog siyang may konting dignidad.

“Opo,” amin niya. “Pero in my defense, sir, hindi naman po kasi lahat ng naka-relo na mahal ay sure buyer. May iba pong window shopping lang pero ang daming tanong, tapos sa dulo sasabihin, ‘Send mo na lang sa Viber,’ kahit wala naman silang balak bumili.”

Saglit na natahimik ang paligid.

Tumingin si Kevin sa kisame, parang may personal conversation na sila ng Diyos.

Nanigas ang panga ni Maredith. “Sora.”

Pero hindi nakatingin si Rafael kay Maredith. Nakatitig pa rin siya kay Sora.

Then he laughed.

Hindi malakas. Hindi bastos. Pero totoong tawa.

At mas lalo iyong nakakainis dahil ang gwapo niya kapag natatawa.

“Fair point,” sabi ni Rafael.

Napanganga si Maredith. “Sir?”

“Sabi ko, fair point.” Ibinalik ni Rafael ang tingin kay Sora. “At least honest siya.”

Sa unang pagkakataon mula nang malaman ni Sora kung sino ito, nakahinga siya nang kaunti.

Kaunti lang. Kasi baka trap iyon.

“Thank you po?” alanganing sagot niya.

“Question mark?” puna ni Rafael.

“Hindi ko pa po kasi alam kung ligtas na ako.”

Muling natawa si Rafael.

Idiniin ni Kevin ang dalawang daliri sa sentido niya “Sora, anak, huwag mong gawing hobby ang career suicide.”bulong nito.

“Sorry,” mahinang sabi ni Sora, pero hindi niya napigilang mapasulyap kay Kevin. “Kinakabahan lang ako.”

“Halata,” sagot ni Kevin. “Pati kaluluwa ko, nanginginig.”

Sinamaan siya ng tingin ni Maredith bago muling humarap kay Rafael.

“Sir, if you want po, I can personally assist you. I can present our premium inventory, especially the executive units and investment packages. Mas appropriate po iyon for your review.”

Ngumiti si Maredith nang matamis. Iyong ngiting may kasamang calculator, ambition, at konting panlalait.

“Thank you,” sabi ni Rafael. “But I want her.”

Parang may biglang nag-mute sa buong kiosk.

Napakurap si Sora. “Ha?”

Tumaas ang kilay ni Kevin.

Nanigas si Maredith sa kinatatayuan. “Sir?”

Rafael pointed gently toward Sora. “I want Miss Guillermo to present.”

Nanigas ang likod ni Sora.

Miss Guillermo. Ang formal pakinggan. Parang hindi siya iyong babaeng 5-minutes ago ay nagtanong kung may pambili ba ang anak ng may-ari.

“Ako po?” tanong niya.

“Yes.”

“Sure po kayo?”

“Do you usually question clients who choose you?”

“Kapag mukhang delikado po ang choice nila.” Pabiro ngunit nangingiming sagot niya

Ngumiti ulit si Rafael. “Then I’m sure.”

Halos mapabuntong-hininga si Kevin sa gilid. “Okay. Wonderful. Very educational morning.”

Pinandilatan siya ni Maredith, pero nang humarap kay Kevin ay biglang bumait ang tono.

“Sir Kevin, may instruction po ba kayo?” tanong nito, halatang pinipigilan ang inis.

Kevin straightened, professional ulit ang tindig. “Let Sora handle the initial presentation. I’ll observe.”

“Pero sir—”

“Maredith,” mahinahong putol ni Kevin, pero may bigat ang boses. “I said I’ll observe.”

Tumahimik si Maredith.

Sa loob-loob ni Sora, gusto niyang pumalakpak. Pero dahil may trabaho pa siyang dapat iligtas, professional smile muna.

Kinuha niya ang brochure mula sa stand at humarap kay Rafael. “Sir, are you looking for residential, investment, or commercial property?”

“Convince me first,” sabi nito.

Napakapit si Sora sa brochure.

“Sige po. Pero warning lang, hindi po ako mahilig mag-sugarcoat.”

“I noticed.”

“Kung pangit ang terms, sasabihin kong pangit. Kung maganda, sasabihin kong maganda. Kung masyadong mahal for the value, sasabihin ko rin.”

“Good.”

“Good?” ulit niya.

“Yes. I need someone like that tomorrow.”

Natigilan si Sora. “Tomorrow?”

Kumuha si Rafael ng itim na calling card mula sa bulsa niya at inilapag iyon sa counter. Hindi calling card na ordinaryo. Makapal. Minimalist. Ang Angas (sa isip ni sora).

“I’m visiting one of our upcoming premium sites. Private walkthrough. I want you to come with me.”

Halos malaglag ang brochure sa kamay ni Sora.

“Me?”

“Yes, Miss Guillermo.”

“Sir, baka po kailangan niyo ng senior agent.”

“I need someone honest.”

Sa gilid, parang gustong sumabog ni Maredith pero hindi niya magawa dahil nandoon si Kevin at nandoon si Rafael.

Si Kevin naman ay dahan-dahang tumingin kay Sora, inayos ang sariling cuff, at bumulong nang halos hindi gumagalaw ang labi.

“Anak, kung ito ang plot twist ng buhay mo, ayusin mo ang sarili mo bukas.”

Napalingon si Sora kay Rafael. “May dress code po ba?”

“Comfortable shoes,” sagot nito.

“Bakit po?”

Saglit siyang tinitigan ni Rafael. Nawala ang biro sa mukha nito. Napalitan ng seryosong tingin.

“Because we’re not just visiting the site,” sabi niya. “My father will be there.”

Natigil ang paghinga ni Sora.

Ang ama ni Rafael Valderama.

Ang may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya.

Ang taong posibleng makapagdesisyon kung bukas ay may trabaho pa siya o wala na.

At bago pa siya makasagot, idinagdag ni Rafael ang salitang mas lalong nagpatayo ng balahibo niya.

“And I want him to see capable agents,” sabi niya. “People who know exactly what they’re doing.”

Napakapit si Sora sa brochure.

Hindi niya alam kung compliment ba iyon o warning.

“I’ll see all of you tomorrow,” dagdag ni Rafael.

Pagkatapos ay lumingon siya kay Kevin.

“Mr. Dizon, please check your email for the invites and instructions.”

“Yes, sir,” mabilis na sagot ni Kevin.

Tumango si Rafael, saka muling tumingin kay Sora.

Saglit lang.

Pero sapat para maramdaman ni Sora na hindi pa tapos ang sablay niya.

Umalis si Rafael na parang normal lang ang iniwan niyang gulo.

Pagkatalikod nito, sabay-sabay na bumaling kay Sora sina Kevin at Maredith.

Napangiti si Kevin nang pilit.

Si Maredith naman ay mukhang gusto na siyang ipalaminate sa warning memo.

“Sora,” sabi ni Kevin, mahina pero puno ng kaba, “bukas, please lang… ayusin mo ang mga sasabihin mo

Previous Next