Ang Ahente at Ang Tagapagmana – Chapter 22

Sumunod ang ilang araw na tahimik na bumalik sa dati ang takbo ng buhay.

O halos dati.

Pumasok si Sora sa branch.

Nagtrabaho siya.

Nag-meeting.

Nag-follow up ng clients.

Nag-correct ng reports.

Nagpaalala sa agents na hindi porke may supervisor na sila, puwede nang magpasa ng incomplete forms.

Si Kevin ay nanatiling Kevin.

Professional kapag may report.

Nakakairita kapag may fries.

At laging may tinging parang alam niya kung may emotional weather disturbance kahit hindi pa nagsasalita si Sora.

Si Maredith naman, unti-unting nasanay sa bagong ayos.

Hindi sila biglang close ni Sora.

Pero hindi na rin laging may tinik ang bawat salita.

Minsan, maikli ang instructions.

Minsan, may correction.

Minsan, may tahimik na respeto.

At para kay Sora, sapat iyon.

Hindi lahat ng tao kailangang maging kaibigan para maging maayos ang mundo.

Minsan, kailangan lang nilang matutong tumabi nang hindi nananakit.

Isang gabi, pagkatapos ng trabaho, nasa bahay si Sora.

Nakaupo siya sa gilid ng kama, inaayos ang ilang resibo sa maliit na notebook niya, nang mag-vibrate ang phone.

Rafael:

Mom is asking permission to speak with your family.

Napaupo nang tuwid si Sora.

Tiningnan niya ang mensahe nang ilang segundo.

Hindi niya alam kung matatawa ba siya, kakabahan, o tatawagin agad si Kevin kahit wala naman itong kinalaman.

Sumunod ang isa pang message.

She suggested lunch somewhere simple but decent. Neutral place. No pressure. Dad and Bia will come too if your family agrees.

Huminga si Sora nang malalim.

Hindi niya agad sinagot.

Lumabas siya ng kwarto at dinala ang phone sa kusina.

Nandoon si Nanay Meding, naghihiwa ng sibuyas.

Si Lola Ason, nagbabalat ng mangga.

Si Lolo Isme, nakaupo sa may pinto, inaayos ang radyo kahit wala namang sira.

“Ma,” sabi ni Sora.

Napatingin si Nanay Meding.

“Bakit ganyan mukha mo?”

“Anong mukha?”

“Yung mayaman ang problema.”

“Ma.”

“Hindi ako nanghuhula. May Rafael ba iyan?”

Napailing si Sora at inabot ang phone.

Binasa ni Nanay Meding ang message.

Hindi nagbago ang mukha niya.

Pagkatapos, inabot niya kay Lola Ason.

Binasa rin ni Lola Ason.

Pagkatapos, inabot kay Lolo Isme.

Si Lolo Isme, inilayo pa ang phone sa mukha.

“Anong sabi?”

“Humihingi ng permiso ang nanay ni Rafael na makipag-usap sa atin,” sabi ni Lola Ason.

“Dito?”

“Restaurant daw.”

“Libre?”

“Isme,” saway ni Lola Ason.

“Ano? Practical question.”

Kinuha ulit ni Nanay Meding ang phone at ibinalik kay Sora.

“Sabihin mo, papayag ako.”

Napakurap si Sora.

“Ma?”

“Pero hindi sa restaurant.”

“Hindi?”

“Hindi.”

Tumigil si Sora.

“Bakit?”

“Kung makikipag-usap siya sa pamilya natin, dito siya pupunta. Hindi sa lugar na kontrolado ng reservation, waiter, at menu.”

Tahimik si Sora.

“Ma, baka ma-offend sila.”

“Kung ma-offend siya dahil bahay natin ang pinili ko, mas mabuti nang malaman natin agad.”

Si Lola Ason ay tumango.

“Tama. At dito natin siya mapapakain nang maayos.”

“May restaurant naman po.”

“Restaurant,” sabi ni Lola Ason, parang may kahalong pagdududa ang salita. “Tapos kaunti ang kanin, malaki ang plato.”

“Lola.”

“Hindi ako nagbibiro.”

Si Lolo Isme naman ay biglang sumigla.

“Dito na lang! Ilabas natin ang pool.”

“Hindi,” sabay na sabi nina Nanay Meding at Lola Ason.

“Bakit?”

“Usapan ito, hindi resort,” sabi ni Lola Ason.

Nanlumo si Lolo Isme.

“Lagi na lang anti-pool ang gobyerno.”

Napahawak si Sora sa noo.

Pero sa gitna ng kaba, may maliit na gaan sa dibdib niya.

Dahil iyon ang pamilya niya.

Kapag may matinding usapan, maghahanda ng pagkain.

Kapag may awkward na bisita, maglalabas ng baso.

Kapag may mayamang darating, hindi magpapanggap na mayaman din.

Magluluto lang nang marami.

At tatayo sa sariling bakuran.

Nagreply si Sora kay Rafael.

Sora:

Papayag si Mama. Pero dito raw sa bahay. Weekend lunch. Kung okay sa kanila.

Mabilis ang reply ni Rafael.

I’ll tell them. Thank you.

Sumunod ang isa pa.

Are you okay with that?

Napangiti si Sora nang kaunti.

Sora:

Hindi pa alam. Pero may liempo daw.

Rafael:

Then I’ll be okay.

Sora:

Hindi ikaw ang tinatanong.

Rafael:

Still answering carefully.

Nakagat ni Sora ang labi para hindi matawa.

Nakakainis.

Mabilis matuto.

Dumating ang weekend na parang pista sa maliit na bahay nina Sora.

Hindi engrande.

Hindi catered.

Hindi sosyal.

Pero punong-puno ng galaw.

Maagang gumising si Nanay Meding.

Nilinis ang bakuran.

Pinahugasan ang mahabang mesa.

Pinalabas ang mga monoblock chair.

Nagpakulo ng tubig.

Naghanda ng marinade.

Pinabantayan kay Sora ang kanin na parang national treasure.

Si Lola Ason naman, inilabas ang mga nakatagong babasaging plato, baso, lalagyan ng ulam, at mabibigat na sandok, kutsara, at tinidor.

Isa-isa niyang inilapag ang mga iyon sa mesa na parang naglalabas ng family heirloom.

“Lola,” sabi ni Sora, hawak ang isang makapal na basong may gold rim na medyo kupas na. “Saan galing ito?”

“Regalo ni Kumare Naty noong Pasko.”

“Anong year po?”

“Hindi na mahalaga. Buhay pa ang baso.”

Kumuha pa si Lola Ason ng glass bowl na may bulaklak sa gilid.

“Ito naman, galing sa birthday ko.”

“Kaninong regalo?”

“Hindi ko na maalala. Pero maganda ang bigat.”

Si Kevin, na dumating nang mas maaga kaysa sa inaasahan dahil ayon sa kanya ay “logistics support,” binuhat ang isang malaking lalagyan ng ulam.

“Lola, bakit po parang dumbbell ito?”

“Matibay iyan.”

“Pang serving po ba ito o pang self-defense?”

“Both.”

Si Lolo Isme naman, mula umaga pa lang, nagmumukmok sa gilid.

“Hindi talaga ilalabas ang pool?”

“Hindi,” sabi ni Lola Ason habang pinupunasan ang plato.

“Kahit maliit lang?”

“Hindi.”

“Kahit hindi lalagyan ng tubig?”

“Isme.”

“Kahit display?”

“Hindi tayo nagdi-display ng pool sa lunch.”

“Ang lungkot ng Pilipinas.”

Si Sora ay nag-aayos ng iced tea sa pitsel habang natatawa.

Sa mesa, unti-unting napuno ang handa.

Inihaw na liempo.

Inihaw na tahong.

Inihaw na hipon.

Cajun seafood na amoy pa lang, nakakagutom na.

Mainit na kanin sa malaking lalagyan.

Hinog na mangga na hiniwa nang makapal.

Sawsawan na may toyo, calamansi, sili, at sibuyas.

Iced tea na may yelo.

Simpleng lunch.

Pero punong-puno ng effort.

Hindi para magpanggap.

Kundi para tanggapin ang bisita nang buong-buo.

Tanghali nang dumating ang sasakyan nina Rafael.

Hindi convoy.

Hindi maraming driver.

Isang sasakyan lang.

Unang bumaba si Rafael.

Simple ang suot.

Maayos, pero hindi formal.

Sumunod si Don Augusto, naka-polo at may bitbit na malaking fruit basket.

Sumunod si Doña Carmina, naka-light blouse, simple ang alahas, hawak ang maliit na box ng pastries.

At huli, si Bia.

Wala na siyang wheelchair.

Wala na rin ang ankle support.

Maayos na ang lakad, bagamat medyo maingat pa rin kapag may hindi pantay na semento.

Pero hindi iyon ang unang napansin ni Sora.

Ang unang napansin niya ay ang hawak ni Bia.

Malaking kahon.

Hindi basta kahon.

Kahon ng inflatable pool.

Malaki.

Bilog.

Mataas hanggang bewang ang nakalagay sa picture.

At ayon sa label, kasya ang sampung tao.

Napanganga si Lolo Isme.

“Pool?”

Tumingin si Bia sa kanya.

“For the family,” sabi niya. “And because I heard there was government oppression against pool display.”

Natigilan ang buong bakuran.

Pagkatapos, si Lolo Isme ang unang sumigaw.

“Ason! May kakampi ako!”

Napahawak si Lola Ason sa noo.

“Diyos ko, dumating na ang import.”

Si Kevin, na nasa tabi ng mesa, tumingin sa kahon nang may seryosong mukha.

“Large capacity. Waist-level. This is no longer a pool. This is infrastructure.”

“Can you help set it up?” tanong ni Bia.

“Absolutely.”

“Kevin,” saway ni Sora.

“Anak, national project ito.”

Si Lolo Isme ay biglang nawala ang topak.

Para siyang batang nakatanggap ng bisikleta.

Hinawakan niya ang kahon, halos yakapin.

“Bia, ikaw na ang paborito kong Valderama.”

“Lo!” sabi ni Sora.

“What?” tanong ni Rafael.

“Paborito ko siya ngayon,” sabi ni Lolo Isme. “Bawi ka na lang mamaya.”

Tumawa si Rafael.

Si Doña Carmina, na halatang hindi alam kung dapat ba siyang kabahan o ngumiti, napatingin kay Bia.

“You bought them a pool?”

“Yes,” sagot ni Bia. “Practical gift.”

“Very large practical gift,” sabi ni Don Augusto.

“Character development,” dagdag ni Kevin.

Hindi napigilan ni Sora ang tawa niya.

Doon nagsimula ang gulo.

Habang sina Bia, Kevin, at Lolo Isme ay abala sa paglalatag ng bagong malaking pool, halos masakop nito ang buong bakuran.

May natirang espasyo lang para sa mahabang mesa at mga upuan.

Si Rafael naman ay agad na tumulong kay Sora magbuhat ng mga plato at pitsel.

Si Nanay Meding ang nag-aayos ng kanin.

Si Lola Ason ang nagbabantay sa mga babasagin na parang mga anak niya.

At si Doña Carmina, sa unang ilang minuto, nakatayo lang sa gilid.

Hindi alam kung saan papasok.

Hindi sanay na hindi siya ang nag-uutos.

Hindi sanay na walang assigned server.

Hindi sanay na ang tanong ay hindi “What do you need, Ma’am?” kundi “Marunong ka bang humawak ng lalagyan?”

Si Nanay Meding ang lumapit sa kanya.

“Carmina.”

Napatingin agad si Doña Carmina.

“Yes?”

“Puwede mong ilagay ito sa mesa?”

Inabot ni Nanay Meding ang lalagyan ng mangga.

Saglit na natigilan si Doña Carmina.

Pagkatapos, tinanggap niya.

“Of course.”

“Diyan sa gitna. Pero huwag masyadong gilid, baka matamaan ni Isme pag tumakbo.”

Tumango si Doña Carmina.

Dahan-dahan niyang inilapag ang mangga sa mesa.

Para siyang naglagay ng mamahaling centerpiece sa gala.

Pero mangga iyon.

Hinog.

Matamis.

At may konting katas sa gilid.

Napatingin si Sora sa kanya.

Hindi niya alam kung bakit may kung anong gumaan sa dibdib niya.

Hindi dahil biglang okay na lahat.

Kundi dahil si Doña Carmina Valderama, ang babaeng minsang nag-abot sa kanya ng pera para mawala, ay ngayon naglalagay ng mangga sa mesa nila nang maingat na maingat.

Sa kabilang bahagi ng bakuran, may biglang sumigaw.

“Hindi diyan ang hangin!” sigaw ni Kevin.

“Eh saan?” sigaw ni Lolo Isme.

“Sa valve, Lo!”

“Akala ko ito na iyon!”

“Lo, takip iyan!”

Si Bia, nakaluhod sa gilid ng pool, pinipigilan ang tawa.

“Kevin, do we need a manual?”

“Bia, we are Filipinos. We only read the manual after failure.”

“Sounds dangerous.”

“Welcome to the family system.”

Narinig iyon ni Sora.

At bago pa niya mapigilan, napatingin siya kay Rafael.

Narinig din nito.

Hindi siya nagsalita.

Pero ngumiti siya.

Hindi malaki.

Hindi mayabang.

Tahimik lang.

Parang tinanggap niya ang salitang family kahit hindi pa nila ito inaangkin nang buo.

Sa may ihawan naman, si Don Augusto ang nakatayo ngayon, hawak ang pang-ipit ng liempo.

Nagsimula iyon dahil muntik nang masunog ang isang piraso habang abala si Nanay Meding sa kusina.

“Sandali,” sabi ni Don Augusto, lumapit agad. “This one is burning.”

“Ah!” sigaw ni Sora. “Yung liempo!”

Inangat ni Don Augusto ang muntik nang masunog.

Maayos ang galaw.

Hindi alanganin.

Hindi tulad ng taong ngayon lang nakakita ng ihawan.

“Marunong po kayo?” tanong ni Nanay Meding, medyo nagulat.

Ngumiti si Don Augusto.

“Konti.”

“Konti?” ulit ni Lolo Isme, biglang interesado.

Noon nagsimula ang kwento.

Habang inaayos ang apoy at iniikot ang liempo, sinabi ni Don Augusto na noong bata pa siya, ipinadala siya ng ama niya sa farm ng pamilya sa probinsya.

“Akala ko punishment,” sabi niya, habang binabaligtad ang tahong. “My father said I was becoming too soft, too used to being served. So one summer, he sent me to the farm. No driver. No air-condition. No special food. I had to wake up before sunrise.”

Napatingin si Rafael sa kanya.

“You never told us that.”

“Because you never asked,” sagot ni Don Augusto.

Napatawa si Nanay Meding.

“Tama iyan.”

Tuloy ni Don Augusto, “I hated it at first. Then I learned. Mag-igib ng tubig. Maglinis ng kulungan. Magtanim. Maghintay. Mapagod. Kumain ng simpleng pagkain pagkatapos ng trabaho.”

Tumingin siya sa usok ng ihawan.

“I think that summer saved me.”

Tahimik ang ilang segundo.

Hindi mabigat.

Mas parang may nabuksang bintana.

Si Doña Carmina, na nakaupo na ngayon sa tabi ni Lola Ason habang inaayos ang kutsara at tinidor, biglang nagsalita.

“I did not have that kind of childhood.”

Napatingin ang lahat sa kanya.

Kahit si Lolo Isme, huminto sa pag-ayos ng pool.

Hawak ni Doña Carmina ang mga nakatuping napkin.

“I grew up spoiled,” sabi niya, diretso. “Very spoiled.”

“Mom,” sabi ni Bia, halatang nagulat pero amused.

“It is true,” sagot ni Doña Carmina. “My parents had money. I had everything ready. Tutors, drivers, dresses, parties. I thought that was normal.”

Huminto siya.

“But my parents also cared deeply about charity. Hospitals. Schools. Feeding programs. My mother would always say, if you were born with more, you are not better. You are responsible.”

Hindi siya nakatingin kay Sora habang sinasabi iyon.

Nakatingin siya sa mesa.

Sa baso.

Sa plato.

Sa pagkaing inihanda ng pamilyang hindi niya agad nirerespeto noon.

“I forgot some parts of that,” dagdag niya, mas mahina.

Walang nagsalita agad.

Hindi dahil awkward.

Kundi dahil ramdam nilang hindi ito basta kwento.

Si Nanay Meding ang unang gumalaw.

Inabot niya ang pitsel ng iced tea kay Doña Carmina.

“Lagyan mo nga sila ng juice.”

Napatingin si Doña Carmina sa kanya.

Sandali.

Pagkatapos, tumango.

“Sige.”

Hindi “yes.”

Hindi formal.

Sige.

At sa maliit na salitang iyon, halos mapatingin si Sora kay Rafael.

Narinig kaya niya?

Oo.

Narinig niya.

At mukhang pareho silang hindi alam kung matatawa ba o maiiyak.

Natuloy ang lunch nang maingay.

May inihaw na liempo.

May tahong.

May hipon.

May cajun seafood na kinakain ni Kevin na parang final exam.

May mainit na kanin na paulit-ulit inaalok ni Nanay Meding.

May mangga na halos maubos agad dahil sabi ni Bia, “This is dangerous.”

May iced tea sa babasaging baso na paulit-ulit binabantayan ni Lola Ason.

“Dahan-dahan!” sigaw niya nang muntik na mabangga ni Kevin ang baso.

“Lola, malayo pa po ako!”

“Hindi ako nagtitiwala sa elbows mo!”

Si Don Augusto ang nag-aahon ng natitirang inihaw.

Si Rafael ang naghahati ng hipon para kay Sora nang hindi ginagawang big deal.

Si Doña Carmina ang nag-abot ng napkin kay Nanay Meding bago pa ito humingi.

Si Bia, Kevin, at Lolo Isme ay pabalik-balik sa pool, tinatantsa kung sapat na ang hangin.

“Kasya daw sampu,” sabi ni Lolo Isme.

“Lo, hindi tayo sampung kasya. Tayo ay sampung Pilipinong may dala pang plato,” sabi ni Kevin.

“Masaya iyon.”

“Dangerous iyon.”

“Masaya at dangerous.”

Si Sora ay natawa nang natawa hanggang sumakit ang pisngi niya.

Hindi perfect ang araw.

May ilang sandaling tahimik si Doña Carmina.

May ilang beses na halatang naiilang si Don Augusto kung saan uupo.

May ilang saglit na nagkakatinginan sila ni Rafael nang hindi alam kung anong sasabihin.

Pero masaya.

Hindi polished.

Hindi elegante sa paraan ng Valderama.

Pero puno.

Puno ng pagkain.

Puno ng ingay.

Puno ng mali-maling upuan.

Puno ng tawanan.

Puno ng taong natututong umupo sa iisang mesa kahit magkaiba ang mundong pinanggalingan.

Habang kumakain sila, biglang nagsalita si Don Augusto.

“So,” sabi niya, hawak ang baso ng iced tea, “may plano na ba kayong magpakasal?”

Tumigil ang buong mesa.

Si Sora, muntik nang mabulunan sa kanin.

Si Rafael, napatingin agad sa ama niya.

Si Kevin, literal na ibinaba ang hipon.

Si Bia, napangiti na parang may inaabangan.

Si Nanay Meding, biglang tumuwid.

Si Lola Ason, itinaas ang kilay.

Si Lolo Isme, mula sa tabi ng pool, sumigaw, “Ayos iyan!”

“Dad,” sabi ni Rafael, halatang napahiya.

“What?” tanong ni Don Augusto. “I asked simply.”

“Hindi po simple iyon,” sabi ni Sora, namumula.

Si Kevin ay tumango.

“Sir, that is not a casual lunch question. That is a grenade with rice.”

“Kevin,” saway ni Nanay Meding, pero napangiti rin.

Akala ni Sora, si Doña Carmina ang magpapatahimik sa asawa niya.

Akala niya, ito ang magsasabing too soon.

O improper.

O not now.

Pero si Doña Carmina ang biglang nagsalita.

“Aba, kung may plano, paghandaan na natin.”

Napalingon ang lahat sa kanya.

Kahit si Don Augusto, nagulat.

Si Rafael, halos hindi makapagsalita.

Nanigas si Sora sa upuan.

Si Doña Carmina ay seryoso ang mukha, pero may bahagyang kislap sa mata.

“At bigyan ninyo agad ako ng apo.”

“Mom!” sabay na sabi nina Rafael at Bia.

Si Sora ay napahawak sa baso.

“Po?”

Si Kevin, hindi na talaga napigilan.

Tumawa siya nang malakas.

“Breaking news. Valderama pressure has rebranded.”

“Kevin,” sabi ni Rafael, namumula na rin.

“What? Improvement ito. Dati envelope. Ngayon apo.”

“Sir Kevin!” sigaw ni Sora.

Si Nanay Meding ay napapailing pero natatawa.

“Carmina, huwag mong gulatin ang mga bata.”

Napatingin si Doña Carmina kay Nanay Meding.

Pagkatapos, sa unang pagkakataon, ngumiti siya nang halos buo.

“I am trying to be supportive.”

“Medyo malakas ang dating,” sabi ni Nanay Meding.

“I will adjust.”

“Good.”

Napatingin si Sora kay Rafael.

Si Rafael, halatang hindi alam kung magtatago sa ilalim ng mesa o tatawa.

“Sorry,” bulong niya.

“Bakit ikaw nagsosorry?” bulong pabalik ni Sora. “Ako yata ang hinihingan ng apo.”

“Joint responsibility?”

“Wag kang mag-legal terms sa akin.”

Bahagyang lumapit si Bia kay Sora.

“For the record, I also want to be rich cool tita.”

“Bia!”

“What? I survived cat pajamas. I deserve a future title.”

Si Lolo Isme, hindi na kinaya.

“Basta ako, gusto ko apo sa tuhod na marunong lumangoy!”

“Lo!” sigaw ni Sora.

“Sa pool training magsisimula!”

Napuno ng tawanan ang bakuran.

At sa gitna ng lahat, si Sora ay tumingin sa mesa.

Sa pamilya niya.

Sa pamilya ni Rafael.

Sa pagkain.

Sa malaking pool na halos masakop ang buong bakuran.

Sa babasaging baso ni Lola Ason na hindi pa nababasag kahit muntik na.

Sa Doña Carmina na ngayon ay pinapagalitan ni Nanay Meding kung paano tamang mag-pressure.

Sa Don Augusto na bumalik na sa ihawan dahil may naamoy raw siyang nasusunog.

Sa Bia at Kevin na nagtatalo kung ilang tao ang legal capacity ng pool.

At kay Rafael, na nakatingin sa kanya na parang hindi siya naniniwalang nandito na sila.

Hindi perfect.

Hindi tahimik.

Hindi sosyal.

Pero totoo.

At sa unang pagkakataon, hindi niya naramdaman na kailangan niyang pumili sa pagitan ng pagmamahal at respeto sa sarili.

Dahil sa pagkakataong iyon, hawak niya pareho.

Ilang araw pagkatapos ng lunch, dumalaw ulit si Rafael.

Gabi na.

Walang tao sa bahay nina Sora.

Nagsimba sina Nanay Meding, Lola Ason, at Lolo Isme.

Si Kevin naman, ayon sa text niya, “off-duty but spiritually suspicious.”

Natawa si Sora nang mabasa iyon, pero hindi na siya nagreply.

Pagdating ni Rafael, hindi siya pumasok agad.

Kumatok pa rin.

Kahit bukas ang gate.

Kahit alam niyang hinihintay siya.

Pagbukas ni Sora ng pinto, nakatayo siya roon, simple ang suot, walang dalang kahit ano.

“Walang ice?” tanong ni Sora.

“You didn’t ask for ice.”

“Good. Learning.”

“I try.”

Pinasok niya ito.

Tahimik ang bahay.

Ibang tahimik kaysa dati.

Hindi mabigat.

Hindi takot.

Mas parang pahinga.

Sa sala, umupo sila sa sofa.

May bukas na electric fan.

May ilaw sa kusina.

May amoy ng sabon sa sahig.

May naririnig na aso sa labas.

Normal.

Simple.

Sila lang.

“Your mother texted my mother,” sabi ni Sora.

Napatingin si Rafael.

“She did?”

“Oo. Nag-thank you ulit sa lunch.”

“Is that bad?”

“Hindi. Ang weird lang.”

“How weird?”

“Sabi ni Mama, ‘Carmina is trying.’”

Tahimik si Rafael.

Pagkatapos, ngumiti siya nang mahina.

“She is.”

“Scary.”

“Very.”

Napatawa si Sora.

Tumawa rin si Rafael.

Pagkatapos, unti-unting natahimik ang sala.

Hindi dahil awkward.

Kundi dahil pareho nilang naramdaman na wala nang kailangang takasan.

Wala nang envelope.

Wala nang surprise dinner.

Wala nang pamilyang naghihintay sa kabilang pinto para husgahan siya.

Nandoon lang sila.

Dalawang taong pagod na pagod, nasaktan, natuto, at piniling manatili.

“Sora,” sabi ni Rafael.

“Ano?”

“Can I kiss you?”

Hindi niya alam kung bakit kinilig pa rin siya.

Ilang beses na niya itong narinig.

Pero iba ngayon.

Walang hinahabol na apology.

Walang emergency.

Walang nakikinig na Kevin sa CR.

Walang gate na bukas.

Sila lang.

Tumango siya.

“Pwede.”

Lumapit si Rafael.

Dahan-dahan.

Maingat pa rin.

Pero hindi na takot.

Nang magtagpo ang labi nila, napapikit si Sora.

Hindi na ito katulad ng halik na puno ng sugat.

Hindi na rin katulad ng halik na nagmamadaling ayusin ang hindi pa handa.

Ito ay halik na marunong maghintay.

Marunong humingi ng permiso.

Marunong makinig.

Mainit.

Matagal.

Nakakalimot ng oras.

Nang humiwalay sila, nakasandal na ang noo ni Rafael sa kanya.

“Sora.”

“Hm?”

“I love you.”

Hindi siya sumagot agad.

Hindi dahil hindi niya alam.

Kundi dahil gusto niyang maramdaman muna ang bigat ng salitang iyon.

Hindi bilang bitag.

Hindi bilang pangako na kailangan niyang bayaran.

Kundi bilang regalo.

“I love you too,” sabi niya.

Doon siya muling hinalikan ni Rafael.

Mas malalim.

Mas sigurado.

Pero maingat pa rin.

Napakapit si Sora sa balikat niya.

Unti-unti, ang tahimik na bahay ay napuno ng kanilang paghinga, ng mahihinang tawa sa pagitan ng halik, ng mga salitang hindi na kailangang ipaliwanag.

Napunta sila sa may pintuan ng kwarto ni Sora.

Huminto siya roon.

Hindi dahil ayaw niya.

Kundi dahil may huling biro na kailangan niyang bitawan bago siya tuluyang lamunin ng kaba at kilig.

“Rafael.”

“Hmm?”

“Magpakasal daw muna bago mag-apo.”

Saglit siyang natigilan.

Pagkatapos, tumawa siya nang mahina, halos sa labi niya mismo.

“Pwede naman kahit ano ang mauna.”

Nanlaki ang mata ni Sora.

“Rafael Valderama.”

“I’m joking.”

“Dapat lang.”

“Mostly.”

Hinampas niya ito sa dibdib.

Mahina lang.

Tumawa si Rafael, pero agad ding lumambot ang mukha niya.

“I’ll wait for whatever you want,” sabi niya. “Whatever pace. Whatever promise. Whatever future.”

Doon nawala ang huling biro sa labi ni Sora.

Tiningnan niya ito.

Ang lalaking minsang inakala niyang kayang bilhin ang lahat.

Ang lalaking minsang nagkamali dahil akala niya kaya niyang i-manage ang lahat.

Ang lalaking ngayon ay nakatayo sa harap niya, naghihintay.

Hindi umaangkin.

Hindi nagmamadali.

Naghihintay.

Si Sora ang unang humawak sa kamay niya.

Si Sora ang unang humila sa kanya papasok.

At nang magsara ang pinto ng kwarto, walang eksenang kailangang ipaliwanag.

May mga gabing hindi kailangang ikwento nang buo para maintindihan.

May mga halik na nagiging pangako.

May mga yakap na nagiging tahanan.

At may mga pagpiling tahimik, maingat, at buong-buo.

Nang gabing iyon, hindi na kailangan ni Sora pumili sa pagitan ng puso niya at respeto sa sarili.

Dahil sa bawat yakap, bawat bulong, bawat paghinto para siguraduhin na pareho pa rin silang handa, naramdaman niyang hawak niya pareho.

Hindi siya binili.

Hindi siya pinilit.

Hindi siya sinagip.

Minahal siya.

At pinili rin niya.

END
(NEXT PAGE FOR EPILOGUE)

Previous Next