Makulay Pa and Hapon

Makulay Pa and Hapon

Dalawampung taon nang biyuda si Norma Villanueva.

Hindi naging madali ang pagpapalaki niya sa nag-iisang anak, pero hindi rin niya itinuturing na malungkot ang buhay na binuo nilang dalawa. Mula sa pagtitinda ng tinging bigas, unti-unti siyang nakapagpatayo ng sariling bigasan at ng Seoul Corner, isang maliit na Korean convenience store na ngayon ay kilala na sa kanilang lugar.

Maayos na rin ang buhay ni Willard. May trabaho na ito at kaya nang tumayo sa sariling mga paa.

Sa edad na 49, dapat ay mas magaan na ang mga araw ni Norma.

Pero ngayong hindi na siya kailangang-kailangan ng anak, saka niya napansin kung gaano katahimik ang buhay kapag nagsara na ang tindahan at wala nang ibang aasikasuhin.

Ng minsang masira ang freezer ng Seoul Corner, nakilala niya si Dado Manaloto—isang mahinahong technician na hindi mahilig sa matatamis na salita, pero palaging may dahilan para bumalik.

Minsan para tingnan ang freezer.

Minsan para magkape sa labas ng tindahan.

At minsan, para lamang makita siya.

Unti-unting naging bahagi ng araw ni Norma ang kanilang simpleng kuwentuhan at mga tinging pareho nilang pilit binabalewala. Ngunit hindi madaling tanggapin ang bagong pag-ibig kapag may anak na nag-aalalang baka may ibang intensiyon ang lalaking lumalapit sa kanyang ina.

Sa pagitan ng problema sa negosyo, alaala ng nakaraan, at takot na guluhin ang pamilyang matagal niyang iningatan, kailangang magpasya ni Norma:

Sapat na bang naging mabuting ina siya sa loob ng dalawampung taon—at maaari na ba niyang piliing maging masaya bilang isang babae?

Isang kuwentong nagpapaalala na ang muling pag-ibig ay hindi pagtalikod sa nakaraan, kundi pagbibigay ng pagkakataon sa buhay na magpatuloy.

FULL STORY READ HERE